Filni Angela Fernando - Trainee @News | November 3, 2023
Sinibak sa tungkulin ang hepe ng pulisya sa Pasay City at 26 pang mga pulis dahil sa posibleng kapabayaan sa pagtupad sa kanilang gawain kaugnay ng ilegal na aktibidad ng isang Philippine offshore gaming operations (POGO) hub, ayon sa pahayag ng Philippine National Police (PNP) ngayong Biyernes.
Saad ni PNP Spokesperson Colonel Police Jean Fajardo, tinanggal sa trabaho ang 26 pulis kasama ang kanilang hepe sa gitna ng isinasagawang imbestigasyon sa ni-raid na POGO sa Pasay City kamakailan.
Aniya, “Inimbestigahan po sila for possible neglect of duty dahil nangyari nga po ito na matagal na po itong POGO establishment, how come hindi po nila na-detect iyong presence ng mga illegal activities doon sa area.”
Papalitan naman ni Police Colonel Mario Mayanes si Police Colonel Froilan Uy bilang hepe ng pulisya sa Pasay City.