top of page
Search

ni Lolet Abania | May 6, 2021




Napili si Police Lieutenant General Guillermo Eleazar na susunod na hepe ng Philippine National Police (PNP), ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año ngayong Miyerkules.


Si Eleazar ay graduate ng Philippine Military Academy Hinirang Class of 1987.


Siya ang hepe ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), kung saan maraming mga nailigtas na kidnap victims sa kanyang pamumuno habang kasalukuyan siyang deputy chief for administration.


Papalitan ni Eleazar si Police General Debold Sinas na magreretiro sa Mayo 8.

 
 

ni Lolet Abania | May 4, 2021




Arestado ang isang lalaki matapos makumpiskahan ng P3.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) sa Malolos, Bulacan nu'ng Lunes nang gabi, ayon sa Bulacan Provincial Police Office.


Kinilala ni Bulacan Provincial Director Police Colonel Lawrence Cajipe ang suspek na si Alexander De Naga na nadakip sa isang operasyon sa Diversion Road, Barangay Mojon nang alas-11:30 kagabi.


Nakuha sa suspek ang dalawang piraso ng nakataling transparent plastic bags na naglalaman ng tinatayang 500 gramo ng shabu, isang asul na box, cellphone, at buy-bust money.


Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang suspek.


Dinala naman ang mga nakumpiskang shabu sa Bulacan Provincial Crime Laboratory Office para sa kaukulang eksaminasyon.


 
 

ni Lolet Abania | May 2, 2021




Isandaan at tatlumpu’t tatlong kapulisan ang nadagdag sa mga positibo sa COVID-19, kaya umabot na sa kabuuang bilang na 20,398 ang infected ng virus sa kanilang hanay.


Gayunman, sa isang Facebook post, iniulat ng Philippine National Police (PNP) na ang active cases sa ngayon ay 1,669 lamang.


Umakyat naman sa kabuuang bilang na 18,673 na PNP ang nakarekober sa COVID-19 matapos na 142 pulis ang gumaling sa virus.


Nananatili sa 56 ang mga naitalang nasawi sa pulisya dahil sa COVID-19.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page