top of page
Search

ni Lolet Abania | June 18, 2021



Patuloy na ipinatutupad ng Philippine National Police (PNP) ang mandato ng pagpapasuot ng face shield sa mga indibidwal na inirekomenda ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).


Sa isang statement, sinabi ni PNP Chief Police General Guillermo Eleazar na ang mahuhuli ay sisitahin lamang at ipapaalala sa kanila na nananatiling walang guidelines ang gobyerno na pinapayagan na ang publiko na hindi magsuot ng face shield habang may pandemya.


“The latest recommendation of the IATF to the President is to continue making mandatory the wearing of face shields in enclosed spaces, commercial areas, public transport, terminals and even places of worship,” ani Eleazar.


“With this, we will continue to enforce the existing policy until the President decides on the matter and the IATF amends the guidelines,” sabi pa niya.


Nagbigay na rin ng direktiba si Eleazar sa lahat ng police personnel na itigil ang pagpataw ng anumang parusa sa mga lalabag na indibidwal.


Ayon kay Eleazar, naghihintay pa ang PNP para sa issuance ng bagong guidelines base sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kahapon, kinumpirma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang naging pahayag ni Pangulong Duterte, na ginawa habang nakikipag-usap sa mga senador sa Malacañang nitong Miyerkules, na kailangang magsuot ng face shields sa mga ospital na lamang at kinokonsidera itong polisiya.


Gayunman, inapela naman ito ng IATF, ang policy-making body ng gobyerno sa pagtugon laban sa COVID-19, kay Pangulong Duterte.

 
 

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Tadtad ng mga taga sa katawan nang matagpuan ang dating presidente ng isang unibersidad sa kanyang bahay sa Catarman, Northern Samar ngayong Linggo nang madaling-araw.


Kinilala ni Northern Samar Police Chief Police Col. Arnel Apud ang biktima na si Rolando Delorino, 64-anyos, dating presidente ng University of Eastern Philippines (UEP), residente ng Barangay Dalakit, Catarman.


Batay sa salaysay ng anak ng biktima, bandang alas-5:45 ng madaling-araw, nagising siya at nakita na lamang na duguan at nakahandusay ang kanyang ama malapit sa pintuan ng kusina ng bahay.


Isinugod pa nila sa ospital ang biktima subalit idineklara rin itong dead-on-arrival. Ayon kay Apud, maraming saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktima na naging dahilan ng kanyang pagkamatay na pinaniniwalaang murder at hindi robbery ang nangyari.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente habang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspek.

 
 

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Aabot sa P25.8 milyong halaga ng marijuana plant ang natagpuan at sinunog ng mga awtoridad sa bayan ng Tinglayan, Kalinga.


Nagkasa ang mga operatiba ng Cordillera region police ng dalawang araw na operasyon, kung saan natagpuan nila ang limang marijuana plantation site sa Tinglayan.


Ayon sa mga awtoridad, nakatanggap sila ng intelligence report na may malaking marijuana plantation sa bulubunduking bahagi ng naturang bayan, kaya agad na nagsagawa ng surveillance nitong Biyernes at Sabado.


Nasa kabuuang 152,000 full-grown marijuana plants ang nakuha ng mga pulis na nagkakahalaga ng P25.8 milyon, habang sinunog din ang mga ito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page