top of page
Search

ni Lolet Abania | September 24, 2021



Mahigit sa 93,000 pasaway na indibidwal sa ipinatutupad na COVID-19 quarantine restrictions ang nai-record ng Philippine National Police (PNP) simula ng pilot implementation ng Alert Level 4 sa Metro Manila.


Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na nasa kabuuang 93,894 violators ang nahuli o nasita ng pulisya mula Setyembre 16 hanggang 23.


Ibig sabihin nito, ayon kay Eleazar nasa average na 11,712 mga indibidwal ang nasisita ng mga pulis kada araw sa mga naturang panahon, mas mababa ito kumpara sa 12,600-per-day average na kanilang naitala noong Agosto.


“There are still a lot. 51% were issued warning. 43% were issued tickets, 6% were brought to police station. But I would say it is generally peaceful,” sabi ni Eleazar.


Sinabi rin ni Eleazar na nasa 220 lugar na ang isinailalim sa granular lockdown sa Metro Manila, batay sa pinakabagong nai-record.


Aniya, ang mga lugar ay matatagpuan sa 82 barangay ng siyam na lungsod/munisipalidad ng nasabing rehiyon.


“This has affected 2,697 households and 8,550 individuals,” ani pa ng PNP chief.


Sa ilalim ng Alert Level 4, ang outdoor o al fresco dining ay pinapayagan ng hanggang 30% ng venue/seating capacity, anumang vaccination status ng mga kustomer.


Pinapayagan din ang indoor dine-in services sa limitadong 10% ng venue/seating capacity subalit para lamang ito sa mga indibidwal na fully vaccinated kontra-COVID-19.


Habang ang curfew ay itinakda ng alas-10:00 ng gabi hanggang alas-4:00 ng madaling-araw.

 
 

ni Lolet Abania | September 19, 2021



Umabot na sa 38,219 ang kabuuang COVID-19 cases sa Philippine National Police matapos na makapagtala ng 162 bagong kaso ng infection sa kanilang hanay ngayong Linggo.


Gayunman, may kabuuang 35,495 na PNP naman ang gumaling makaraang 170 ang nadagdag sa kapulisan na nakarekober sa virus.


Nananatili pa ring nasa 113 ang nasawi dahil sa coronavirus sa kanilang organisasyon.


Sa ngayon, mayroon pang 2,611 active COVID-19 cases sa pulisya.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | September 19, 2021



Halos 37,000 ang nahuling violators ng minimum public health standards sa Metro Manila sa unang tatlong araw ng pagpapatupad ng alert levels at granular lockdowns, ayon sa Philippine National Police.


Sa 36, 854 na nahuli, kalahati sa mga ito ang binigyan lamang ng warning, habang 44% ang pinagmulta at ang iba ay dinala sa presinto para sa mga kasong kinahaharap.


"Ang bilin natin sa ating mga pulis, instead na magsagawa ng checkpoint operations doon sa mga boundary, mas i-focus natin ang deployment kung saan nagtitipon-tipon ang ating mga kababayan," ayon kay PNP chief Gen. Guillermo Eleazar.


93 areas sa 38 barangays sa 6 na siyudad ang isinailalim sa granular lockdown, dagdag niya.


Matatandaang sinimulan ng gobyerno noong Setyembre 16 ang pilot implementation ng bagong 5-level alert mechanism kasabay ng granular lock downs upang maiwasan ang patuloy na pataas ng kaso ng COVID-19.


As of Saturday, nakapagtala ang Pilipinas ng total na 2,347,550 confirmed COVID-19 cases, kung saan 184,088 ang nananatiling aktibo.



 
 
RECOMMENDED
bottom of page