top of page
Search

ni Lolet Abania | October 6, 2021



Nasa tinatayang P5.7 milyon halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang magkahiwalay na operasyon sa Maynila, ayon sa Philippine National Police ngayong Miyerkules.


Sa isang statement ng PNP, nai-report ng Manila Police District (MPD) na tinatayang 835 gramo ng ilegal na droga ang nasabat sa buy-bust operations sa San Miguel noong Lunes at sa Tondo nitong Martes.


Nagsagawa ang mga awtoridad ng buy-bust operation sa Barangay 648, San Miguel, kung saan naaresto ang suspek na si Nasfira Nassir Abdulla, 67-anyos.


Nakuha kay Abdulla ang tinatayang 16 plastic sachets na nasa 735 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P4.99 milyon.


Sa Tondo, anim na drug suspects ang nadakip matapos masabat sa kanila ang 100 gramo ng hinihinalang shabu na P680,000 ang halaga sa ikinasang operasyon ng pulisya.


Kinilala ang mga suspek na sina Jonathan Balingit, 24; Esmelita Tumbagahan, 61; Renalyn Silverio, 40; Aldwin Castillo, 43; Anna Punzal, 40; at Mark Echalar, 42.


Pinuri naman ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar ang mga MPD personnel sa matagumpay nilang operasyon. “I am directing the MPD to further conduct investigation into this to identify the suspects’ other possible cohorts and to find out if they are part of a bigger drug syndicate,” ani Eleazar.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 5, 2021



Inatasan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar na magsagawa ng accounting sa lahat ng police personnel na may mga kamag-anak na tatakbo sa nalalapit na 2022 elections.


Ayon kay Eleazar, pag-aaralan nila ang paglipat sa mga personnel sa ibang assignment o ibang lugar kung saan wala silang kamag-anak na kakandidato.


Ito ay upang maiwasan ang mga reklamo tungkol sa mga pulis na nangangampanya umano para sa kanilang kamag-anak na sakop sa kanilang area of responsibility, tulad ng natanggap nilang hinaing noong nakaraang eleksiyon.


Giit ni PNP Chief, ayaw na nitong maulit na may mga reklamo na may kinikilingang pulitiko ang ilan sa kanilang mga tauhan.


Muling binigyang-diin ni Eleazar na ang PNP ay mananatiling apolitical.

 
 

ni Lolet Abania | October 4, 2021



Nasa red alert ngayon ang Bicol Police matapos ang dalawang pagsabog na yumanig sa campus ng Bicol University sa Legazpi City, Albay nitong Linggo nang gabi.


Sa ulat, naganap ang dalawang pagsabog, isa kasunod ang isa pang explosion bandang alas-6:30 ng gabi.


Agad na rumesponde ang Explosives and Ordnance Group ng Philippine National Police sa lugar at kasalukuyang iniimbestigahan ang insidente habang wala ring ibinigay na iba pang detalye ang mga awtoridad.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page