top of page
Search

ni Lolet Abania | October 11, 2021



Nagbabala si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Guillermo Eleazar sa aktor na si Jake Cuenca na mananagot ito sa kanyang ginawa matapos na habulin ng mga anti-narcotics operatives sa Mandaluyong City nitong Sabado ng gabi.

“Sa iyong ginawa, titiyakin ko na mananagot ka sa pambabastos mo hindi lang sa mga pulis kundi sa batas at sa kawalan mo ng disiplina sa sarili,” ani Eleazar.


Nangako rin si Eleazar na magsasagawa ng tinatawag na “disciplinary and corrective measures” makaraan na isang delivery rider ang tamaan ng isang stray bullet nang paputukan ng mga operatiba ang SUV ni Cuenca.


Mariin namang sinabi ng PNP chief na ang aktor ay reckless o walang ingat, at kulang sa displina at respeto sa mga awtoridad.


Aniya, bilang isang public figure, dapat na si Cuenca, “set a good example by owning up to his mistake and facing its consequences.”


Si Cuenca ay inaresto matapos na takasan umano sakay ng kanyang SUV ang mga pulis nang banggain nito ang isang police vehicle makaraan ang isang buy-bust operation naman ng pulisya sa Barangay Barangka Sabado ng gabi.


Nai-report din na inararo ng sasakyan ni Cuenca ang isang barrier sa lugar, kung saan ang car chase ay nagresulta sa pagkakatama ng stray bullet sa isang Grab driver.


“Now, I understand the negative sentiments of our kababayan on this issue but let us not forget why this incident happened in the first place: May isang motorista na imbes na humingi ng paumanhin at panagutan ang kanyang pagkakamali ay gumawa ng eksenang pang-teleserye at pampelikula,” sabi ni Eleazar.


Humingi naman ng paumanhin si Eleazar sa Grab driver na nasaktan sa insidente.

“I would like to assure you and your family that we will take care of all the medical expenses of your hospitalization and we shall also extend financial assistance that will also cover the period of your recovery,” wika ng PNP chief.


Iniutos na rin ni Eleazar sa Eastern Police District na isailalim ang mga sangkot na police personnel sa restrictive custody habang patuloy ang imbestigasyon.


“We assure the public that disciplinary measures will be imposed on the personnel involved and corrective measures will be implemented in order to prevent the repeat of this incident,” saad ni Eleazar.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 11, 2021



Pinangunahan ni PNP Chief PGen. Guillermo Eleazar ang isinagawang send-off ceremony ng unang batch ng nurses mula sa PNP Health service sa Camp Crame, kahapon.


Sila ang nakatakdang tumulong sa mga ospital sa pagtugon sa COVID-19 pandemic na patuloy na kinahaharap ng bansa.


Kasabay nito, nilagdaan din kahapon ang kasunduan sa pagitan ng PNP at Department of Health para pagtibayin ang pagtutulungan ng dalawang ahensiya sa paglaban sa banta ng COVID-19.


Ayon kay DOH-NCR Director Gloria J Balboa, may kakulangan sa manpower ng mga ospital para tumugon sa mga pangangailangan ng mga Covid patients, kaya malaki ang kanilang pasasalamat sa PNP.


Sinabi naman ni Eleazar na laging handa ang PNP na tumulong sa mga programang pangkalusugan ng pamahalaan.


Ang unang batch ng mga nurse ay ide-deploy sa Cardinal Santos Medical Center.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 10, 2021



Hinimok ni PNP Chief, PGen. Guillermo Lorenzo Eleazar ang lahat ng PNP personnel na hindi pa registered voter na magparehistro na matapos ang extention ng voter’s registration para sa May 2022 national and local elections.


“As Chief PNP, I am encouraging our personnel who have not yet registered to take advantage of this extension. I am ordering our units commanders to give your men the time to do so,” ani Eleazar.


Umapela rin ang PNP chief sa publiko na magparehistro na at huwag nang hintayin ang last-minute registration upang maiwasan ang mahabang pila at matagal na paghihintay.


“Samantalahin natin ang ibinigay na extension ng Comelec at huwag na naman nating hintayin na kung kelan patapos na ang buwan ng Oktubre ay saka lamang tayo magpupumilit na magpa-rehistro dahil mauuwi na naman ito sa init ng ulo at pagtatalo. Baguhin na natin ang nakagawiang last-minute registration,” pahayag niya.


Siniguro naman ni Eleazar na nakalatag na rin ang ipatutupad na security measures ng PNP para sa extention ng voters registration.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page