top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Kahapon ay ginanap ang huling flag raising ceremony na dinaluhan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar bago ito magretiro bilang hepe ng Philippine National Police.


Si Eleazar ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Sabado, November 13, 2021 sa pagsapit ng kaniyang 56th birthday na siyang mandatory age of retirement.


Sa talumpati ni PNP chief, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga nagbigay-suporta sa kanyang administrasyon.


Nagpasalamat din siya sa buong police force sa mga ipinatupad nitong polisiya lalo na ang internal cleansing campaign.


Ipinagmalaki naman ng PNP chief na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagawa nilang mapataas ang trust rating ng PNP.


Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi rin niya ang kanyang Final Monday Flag Ceremony as CPNP - Nov 8, 2021 na may caption na: “Inilunsad natin ang Internal Disciplinary Mechanism Information System (IDMIS). Nagkaroon din ng awarding ng scholarship para sa ilang PNP personnel sa ilalim ng PNP-BOC-ASoG Emerging Leaders fellowship Grant. Nagpapasalamat ulit tayo para sa League Magazine front cover. Nagkaroon din ng signing ng Deed of Donation at ceremonial turnover ng mga donasyon galing sa iba’t ibang stakeholders at blessing ng mga bagong patrol cars ng PNP. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa amin sa PNP.”


Ayon pa kay Eleazar, sa kanyang maikling panunungkulan, ang magandang maiiwan nito sa organisasyon ay ang pagtataas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 9, 2021



Pinangunahan ni PNP Chief General Guillermo Eleazar ang pagpapsinaya sa

240 bagong sasakyan ng Philippine National Police nitong Lunes.


Ito ay binubuo ng 10 utility trucks, 13 shuttle buses, 90 4-wheel drive troop carriers at 127 police patrol vehicles.


Ayon kay Eleazar, ang 240 brand new vehicles ay na-procure ng PNP Bids and Awards Committee Chaired by PNP Director for Comptrollership, Police Major General Rodolfo Azurin Jr., mula sa appropriations ng Capability Enhancement Program 2021 na may total contract price na P818,175,766.00.


Sinabi ni PNP Acting Director for Logistics, Police Brigadier General Ronaldo Olay, na ang ten utility trucks ay ibibigay sa limang Area Police Offices sa North Luzon, Southern Luzon, Visayas, Eastern Mindanao at Western Mindanao; habang ang 13 shuttle buses naman ay ipapamahagi sa Police Regional Offices at PNP Academy.


Ang 90 4×4 troop carriers naman ay ibibigay sa Police Mobile Forces at Municipal Police Stations na may rugged at mountainous terrain, habang ang 127 patrol vehicles ay idi-distribute sa Police Stations.


Sa kasalukuya, ang PNP ay nagme-maintain ng fleet of 20,000 ground mobile assets na nagrerepresenta sa 53% sa required na 37,000 units para suportahan ang mga police operations sa buong bansa.

 
 

ni Lolet Abania | October 29, 2021



Nasa tinatayang 89 porsiyento ng mga kawani ng Philippine National Police (PNP) ang fully vaccinated na kontra-COVID-19.


Sa isang radio interview ngayong Biyernes, sinabi ni PNP chief Police General Guillermo Eleazar na nasa 199,362 indibidwal mula sa mahigit 223,000 PNP personnel ang nakakumpleto na ng bakuna laban sa COVID-19, habang mahigit sa 21,000 o 10% ang naghihintay pa ng kanilang second dose ng vaccine.


“With our more than 223,000, pati na rin ‘yung mga non-uniformed personnel, 89% are fully vaccinated, that is 199,362,” ani Eleazar.


Ayon kay Eleazar nasa tinataya namang 1% ng PNP personnel ang babakunahan pa laban sa COVID-19.


Sa National Capital Region Police Office, sinabi ni Eleazar na 98% ng kanilang kawani ay fully vaccinated na habang ang natitirang 1% ay naghihintay ng kanilang second dose ng COVID-19 vaccine.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page