top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 6, 2021



Arestado ang isang lalaki matapos mahuling nagpapanggao na pulis sa Imus, Cavite.


Nahuli si Leo Mendoza matapos magsumbong ang isang concerned citizen na may lalaking nagpaputok ng baril ng 3 beses sa kanilang lugar. 


Nakuhanan pa si Mendoza ng kumpletong police uniform at baril.


Pagdating ng mga pulis, nagpakilala ang suspek na isa siyang pulis na may ranggong SPO2 pero batay sa imbestigasyon ng pulisya ay wala ang pangalan ng suspek sa Personnel Accounting Information System ng PNP.


May pangalan pa ng suspek ang uniform na may patch ng Manila Police District.


Nakuhanan din ito ng kalibre 45 baril at mga ID pa na nakasuot siya ng police uniform.


Nahaharap si Mendoza sa maraming kaso kabilang na ang paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Act, Illegal Use of Insignias at Usurpation of Authority.

 
 

ni Lolet Abania | December 5, 2021



Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila na magsisimula bukas, Disyembre 6.


Sa isang statement ngayong Linggo, sinabi ng PNP na mayroon na silang listahan ng mga kalahok na eskuwelahan, kung saan asahan na ang mga naka-deploy na mga pulis.


“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November. We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” ani PNP Chief Police General Dionardo Carlos.


Ipinaalala rin ng PNP sa mga estudyante, mga magulang at guardians na patuloy na sumunod sa minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng virus.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 28, 2021



Pinaghahandaan na ngayon ng Philippine National Police (PNP) ang pagbabalik ng face-to-face classes sa National Capital Region (NCR).


Ito ay makaraang bigyan ng go-signal ng Department of Education ang ilang paaralan na magsagawa ng face-to-face classes simula Disyembre 6.


“The PNP will secure a final list of the participating school so I can order the chiefs of police in those areas to plan for their deployment to ensure security in these school premises,” ani PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.


Siniguro naman ni Carlos na hindi na mauulit pa ang nangyari sa Pangasinan kung saan nakuhanan ng lawaran ang ilang police personnel na nasa loob ng classroom na may bitbit na long firearms habang ipinapatupad ang face-to-face classes.


“Schools are zones of peace and we will acknowledge that. Much has been done to orient our personnel regarding this policy.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page