top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 22, 2021



Ilang araw nang walang naitatalang COVID-19 cases ang PNP, ayon kay PNP Chief Gen. Dionardo Carlos.


Kamakailan lang ay dalawa pang pulis ang nakarekober sa Covid at ngayon ay nasa 42,097 na ang total na bilang ng mga pulis na nakarekober sa sakit na ito.


Hindi na rin nadagdagan ang 125 pulis na namatay mula noong Nobyembre 10.


Ang kabuuang naging kaso ng COVID-19 sa PNP ay sumampa sa 42,245.


Samantala, 214, 308 pulis na ang fully vaccinated kontra-COVID-19. Nasa 9,781 naman ang may unang dose ng bakuna habang 1,432 na lamang ang hindi nababakunahan dahil sa medical condition at paniniwala.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 18, 2021



Nagsimula nang mag-uwian ang ilang pasahero sa kani-kanilang probinsiya isang linggo bago ang Pasko.


Nagpaalala naman ang pamunuan ng ilang bus terminal na alamin muna ang mga requirement sa pupuntahang probinsiya bago bumili ng ticket.


Sa mga pupunta sa Laoag, kailangan ang barangay acceptance at vaccination card.


Sa Tuguegarao, vaccination card at S-pass.


Kung ikaw naman ay bibiyahe at hindi fully vaccinated ay kailangan ang negative antigen result.


Sa Batangas, kailangan din ang S-pass para mabilis na makuha ng PNP ang impormasyon ng mga turista o mga indibidwal na you papasok sa lalawigan.


Nilinaw naman ng PNP na makakapasok pa rin ang mga walang S-pass basta magpakita ng mga dokumento tulad ng vaccination card.


Samantala, puspusan na ang paghahanda ng DPWH sa inaasahang pagdagsa ng mga motoristang pauwi sa probinsiya habang papalapit ang Pasko.

 
 

ni Lolet Abania | December 8, 2021



Sugatan ang isang police instructor at kanyang trainee matapos ang umano’y naganap na ‘accidental’ firing sa Aringay, La Union, kahapon.


Sa isang statement ng Philippine National Police ngayong Miyerkules, kinilala ang instructor na si Police Corporal Benie Dupayat, 32, at ang kanyang trainee na si Patrolman John Conrad Villanueva, 23.


Nasa Regional Training Center-1 ang grupo na habang dine-demonstrate ni Dupayat sa mga trainees ang operating functions ng isang caliber 45 pistol, nang ang naturang demo gun ay mag-malfunction at biglang pumutok.


Isang slug cut ang dumale sa palad ni Dupayat, habang tinamaan naman si Villanueva.


Agad na isinugod sa Caba District Hospital para gamutin ang dalawang biktima. Agad namang ni-review ni PNP chief Police General Dionardo Carlos, ang polisiya hinggil sa kanilang weapons training para maiwasan na ang ganitong insidente sa mga isasagawa pang police training courses lalo na sa kanilang live fire exercises.


“If accidents like this can happen in training even under controlled conditions, it is likely to happen anytime during the course of normal police functions involving firearms and live ammunition,” paliwanag ni Carlos.


“We remind our instructors to ensure safety at all times, in this case, foremost, no loaded firearms and live ammunition inside the classroom even for training purposes,” dagdag pa ng opisyal.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page