top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 23, 2022



Umabot na sa 1,309 ang bilang ng election gun ban violators mula nang magsimula ito noong Jan. 9, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Kabilang dito ang 1,266 na mga sibilyan, 10 police officers, 8 military personnel, 14 security officers, at 11 other “uncategorized” violators, ayon sa PNP.


Nasa kabuuang 993 firearms ang nakumpiska kasama ang 5,904 ammunition at 479 deadly weapons batay sa report nitong Martes.


Sinabi rin ng PNP na ang mga pag-aresto ay naganap sa Metro Manila (399), Calabarzon (134), Central Visayas (124), Zamboanga Peninsula (95), at Western Visayas (82).


Sa hiwalay na pahayag, sinabi ni national police chief Gen. Dionardo Carlos na nitong Pebrero 22 ay nakapagsagawa na ng 1,185 operations upang ipatupad ang gun ban bago ang general elections sa May 9.


“These accomplishments reflect the level of commitment and dedication of our PNP personnel in our tireless pursuit of a reformed electoral process free from violence and corruption,” ani Carlos.


“Since the onset of nationwide gun ban, PNP persistently reminded the public especially our firearms holder to strictly adhere with the existing COMELEC policy in order to maintain safe, honest, and peaceful elections on May 9, 2022,” dagdag niya.


Ipinatupad ng Commission on Elections (Comelec) ang nationwide gun ban para sa national at local elections hanggang June 8 ng taong ito.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 22, 2022



Pinaalalahanan ni PNP Chief Dionardo Carlos ang mga police personnel na huwag i-involve ang kanilang sarili sa sabong, maging sa online sabong.


“This doesn’t give a good impression on their conduct as law enforcers,” ani Carlos sa isang pahayag.


“The bottom line is, we discourage our personnel from engaging in gambling activities as this does not augur well with their professional and personal values,” dagdag niya.


Siniguro naman ni Carlos na sakaling may police personnel na masangkot dito ay hindi sila magdadalawang-isip na ipadampot ito.


“They are not above the law. Once caught, the PNP won’t hesitate arresting those who are involved in this illicit activity,” ani Carlos.


Pinalawig na rin umano ang kanilang kampanya laban sa illegal gambling dahil sa pagtaas ng bilang ng off-cockpit betting stations.


Hinikayat din ng PNP chief ang publiko na o-report ang mga illegal cockfighting operations sa https://e-sumbong.pnp.gov.ph.


“The PNP will investigate, validate and take appropriate action regarding the complaint,” pahayag pa ni Carlos.


Para naman sa mga police personnel, ang Internal Affairs Service (IAS) ng PNP ang magsasagawa ng imbestigasyon hinggil sa posibleng administrative liabilities, dagdag pa ng PNP chief.

 
 

ni Lolet Abania | February 21, 2022



Isa ang nasawi habang dalawa pang police personnel ang kumpirmadong nasugatan matapos na ang helicopter ng Philippine National Police (PNP) na kanilang sinasakyan ay bumagsak sa Real, Quezon ngayong Lunes ng umaga.


Kinilala ng Real Municipal Police Station (MPS) ang nasawing biktima na si Police Patrolman Allen Noel Ona, habang sugatan naman sina Police Lieutenant Colonels Michael Melloria at Dexter Vitug na agad na dinala sa Claro M. Recto Hospital sa Infanta, Quezon.


Batay sa initial report, ang mga biktima ay lulan ng PNP Airbus H125 helicopter RP-9710, na umalis sa Manila Domestic Airport ng alas-6:17 ng umaga para sunduin si PNP chief Police General Dionardo Carlos.


Alas-8:15 ng umaga, nakatanggap naman ang Real MPS ng isang report mula sa PNP Air Unit tungkol sa chopper na bumagsak umano sa Purok Mayaog, Barangay Pandan.


Agad na rumesponde ang mga tauhan ng lokal na pulisya, Bureau of Fire Protection (BFP), at Municipal Action Center (MAC) sa lugar para beripikahin ang report.


Naging pahirapan at natagalan ang mga awtoridad sa pagpapadala ng mga reports dahil sa ang naturang lugar ay walang signal coverage.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page