top of page
Search

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 1, 2024




Itinalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Police Gen. Francisco Marbil bilang bagong pinuno ng Philippine National Police (PNP).


Nagsimula si Marbil sa pamumuno sa pulisya nitong Lunes matapos ang pagtatapos ng termino ni Acorda Jr. bilang pinuno nu'ng Linggo.


Itinaas din sa ranggo ng Police Gen. si Marbil sa parehong seremonya.


Bago ang paghirang dito bilang bagong pinuno ng PNP, naglingkod si Marbil bilang hepe ng PNP Directorate for Comptrollership (DC), direktor ng Police Regional Office 8 sa Eastern Visayas, at pinuno ng PNP Highway Patrol Group.


Siya ay kasapi ng Philippine Military Academy 'Sambisig' Class ng 1991.

Inaasahan na magreretiro si Marbil sa ika-7 ng Pebrero 2025 kapag umabot na siya sa kanyang mandatory retirement age na 56.

 
 
  • ffernandoangela
  • Apr 1, 2024

ni Angela Fernando - Trainee @News | April 1, 2024




Itinalaga ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. si Police Lieutenant General Emmanuel Baloloy Peralta bilang opisyal na tagapamahala ng Philippine National Police (PNP) kasabay ng pagtatapos ng termino ni General Benjamin Acorda bilang PNP Chief nu'ng Linggo, ayon sa Presidential Communications Office (PCO).


Si Peralta ang Acting Deputy Chief for Administration ng PNP, isang posisyong kinatawan niya nu'ng Pebrero 5, 2024.


Matatandaang ang termino ni Acorda ay dapat sanang natapos nu'ng Disyembre 3, 2023, nang siya ay umabot sa mandatory retirement age na 56 ngunit pinahaba pa ni Marcos ang serbisyo nito hanggang Marso 2024.

 
 

ni Eli San Miguel - Trainee @News | March 31, 2024




Umabot na sa 29 katao ang namatay sa kasagsagan ng Holy Week dahil sa pagkalunod, habang tatlo ang hindi pa natatagpuan, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Linggo.


Sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na may kabuuang 56 insidente na kaugnay ng Holy Week ang naitala hanggang ngayong araw, at 34 dito ang dulot ng pagkalunod.


Mayroon ding dalawang insidente ng pagkalunod na hindi humantong sa pagkasawi dahil nagawa ng mga otoridad na isalba ang dalawang biktima.


Ayon kay Fajardo, nagsimula ang PNP sa pagtanggap ng mga ulat ng insidente ng pagkalunod noong Marso 27, nang magsimula ang mga tao na pumunta sa mga probinsya para sa mahabang weekend. Karamihan sa mga nasabing insidente ang naganap sa mga beach, pribadong resorts, at mga ilog.


Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang PNP sa mataas na antas ng pag-iingat at mananatili pa ring nakatalaga ang mga pulis sa mga pangunahing kalsada, lugar ng turismo, terminal ng mga bus, pantalan, at mga paliparan hanggang sa Abril 1.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page