top of page
Search

ni Lolet Abania | November 27, 2022


ree

Niyanig ng magnitude 5 na lindol ang malayong baybayin ng Cortes, Surigao del Sur ngayong Linggo ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Alas-12:43 ng hapon, naitala ang lindol na tectonic ang pinagmulan habang may lalim na 11 kilometro. Namataan ang epicenter nito ng 35 kilometro northeast ng Cortes ng naturang lalawigan.


Nakapagtala naman ng Intensity II sa Tandag, Surigao del Sur at Intensity I sa Cabadbaran City, Agusan del Norte.


Ayon sa PHIVOLCS, kahit na walang pinsala na naiulat, asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol. Una nang nai-report ng PHIVOLCS ang lindol na nakapagtala ng magnitude 5.2, subalit ni-revise ito sa magnitude 5.0.


 
 

ni Lolet Abania | June 16, 2022


ree

Niyanig ng magnitude 5.3 na lindol ang Candon City sa Ilocos Sur ngayong Huwebes ng hapon, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).


Naitala ang lindol ng alas-2:08 ng hapon na tectonic ang pinagmulan at may lalim na 10 kilometro.


Ang epicenter nito ay matatagpuan sa layong 53 kilometro timog-kanluran ng Candon City. Naramdaman ang pagyanig ng Intensity I sa Baguio City at Itogon, Benguet.


Gayundin, naitala ang Instrumental Intensity III sa Vigan City, Ilocos Sur; Intensity II sa Sinait, Ilocos Sur; San Antonio, Zambales; Bolinao at Dagupan City, Pangasinan; at Intensity I sa Infanta, Pangasinan; Pasuquin at Laoag City, Ilocos Norte.


Ayon sa PHIVOLCS, wala namang nai-report na pinsala subalit asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.


 
 

ni Lolet Abania | June 8, 2022


ree

Niyanig ng magnitude 5.2 na lindol ang malayong baybayin ng Tarragona, Davao Oriental madaling-araw ngayong Miyerkules, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).


Sa report ng Phivolcs, ang lindol ay naitala ng alas-4:37 ng madaling-araw na may lalim na 68 kilometro habang tectonic ang pinagmulan.


Ayon pa sa Phivolcs, wala namang naiulat na pinsala sa lugar subalit asahan na ang mga aftershocks matapos ang lindol.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page