top of page
Kris Aquino C.H.I.K.A. - NETFLIX
Search

ni Mylene Alfonso @News | June 20, 2026



Vladimir Putin at Bongbong Marcos - FB

Photo: Vladimir Putin at Bongbong Marcos - FB



Inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na palalayain na ang 24 Pilipinong nakulong sa Russia sa loob ng siyam na buwan at nakatakda nang makauwi sa bansa.


Ito ay makaraang ipaabot ni Marcos ang kalagayan ng mga nakakulong na mga Pilipino noong taong 2025 na umano’y naging biktima ng illegal recruitment, sa kanyang bilateral meeting kay Russian President Vladimir Putin sa Kazan, Russia kamakailan.


“Noong nag-bilateral meeting kami ni President Putin binanggit ko ito. At nagulat rin siya. Sabi niya, “Hindi ko alam ‘yan. Pag-aaralan namin. Titingnan namin ang nangyayari,” wika ni Marcos.


“Noong dinner kagabi, kinausap niya ako, sabi niya, “Nakita na namin ‘yung sitwasyon. We found out where the 24 Filipinos are. We found out what the problem is with their case, with their situation,” pahayag ng Pangulo.


“And first of all, he said, they have not been charged with any wrongdoing, but they have still been kept in detention for nine months.”


Kaugnay nito, tiniyak sa kanya ni Putin na aaksyunan ng Russia ang naturang usapin.

Kinumpirma rin niya na nakatakdang pauwiin sa Pilipinas ang mga Pilipinong nasangkot sa kaso.


“I remember the last thing he said last night after we were talking about it. He said, “Don't worry, we will find a way. We will find a way to fix this problem.” And now, the 24 Filipinos

will be released,” sabi ng Chief Executive.


“They are ready for deportation tomorrow by 5 p.m. So, those 24 will be going home, back to the Philippines and back to their families,” dagdag pa ni Marcos.


Batay sa datos ng Department of Foreign Affairs, may humigit-kumulang 15,000 Pilipino na ang kasalukuyang naninirahan at nagtatrabaho sa Russia.


 
 

ni Eli San Miguel @News | Dec. 23, 2024



Photo: US typhoon missile philippines - Citizens for National Security


Inihayag ng commanding general ng Philippine Army ngayong Lunes, na plano ng militar na kumuha ng US Typhon missile system upang protektahan ang mga interes nito sa karagatan, na sumasaklaw ang ilan sa mga lugar na inaangkin din ng China.


Inilagay ng US Army ang mid-range missile system sa hilagang bahagi ng Pilipinas nitong mas maagang bahagi ng taon para sa taunang joint military exercises kasama ang matagal nang kaalyado.


Nagpasya rin itong iwan doon sa kabila ng mga batikos ng Beijing na nagdudulot ito ng destabilization sa Asya. Mula noon, ginagamit na ito ng puwersang militar ng Pilipinas para magsanay sa operasyon nito.

 
 

ni Angela Fernando @News | Nov. 20, 2024



Photo: Mary Jane Veloso - Reuters photo


Wala pang pormal na kasunduan sa pagitan ng 'Pinas at Indonesia hinggil sa repatriation ng Pilipinang nasa death row na si Mary Jane Veloso, ayon sa isang opisyal ng Department of Foreign Affairs (DFA) nitong Miyerkules.


"If you mean may written agreement, wala pa yung sagot. Pero sila mismo ang pumunta sa atin to talk about this, so we’re extremely confident it will happen," saad ni DFA Undersecretary Eduardo de Vega sa isang press briefing sa Malacañang.


Ito ay nagsilbing tugon ni De Vega bilang sa tanong kung pinal na ang pagbabalik ni Mary Jane Veloso sa bansa, na inanunsyo ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. kaninang umaga, dahil patuloy pa rin ang mga negosasyon ukol dito.


Sa parehong press briefing, nilinaw naman ni Justice spokesperson Mico Clavano na hinihintay pa ng bansa ang pormal na tugon ng gobyerno ng Indonesia sa kahilingan para sa repatriation ni Veloso.


Magugunitang nu'ng nakaraang linggo, sinabi ng Coordinating Ministry for Legal, Human Rights, Immigration, and Correction (Kemenko Kumham Imipas) ng Indonesia na kanilang isinasaalang-alang ang opsyon ng "transfer of prisoner" o paglilipat ng bilanggo para sa mga dayuhang nakapiit, kung saan kabilang si Veloso.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page