top of page
Search

ni Lolet Abania | February 10, 2022




Nasa tinatayang 55 milyong Pilipino na ang nakarehistro para sa National ID system ng bansa, ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).


“Meron na kaming nairehistro as of Feb. 4 na about 55 million na,” sabi ni PSA Assistant Secretary Rosalinda Bautista sa isang interview ngayong Huwebes.


Gayunman, batay sa latest data ng PSA ay nasa 6 milyon na mga Philippine Identification cards ang nai-release pa lang sa ngayon.


Ayon sa ahensiya, magkakaroon ng mga delays o pagkaantala sa delivery ng mga PhilID cards.


“’Yun po ngayon ang aming challenge. Right now, ang nakikita po namin na based du’n sa capacity ng PHLPost (Philippine Postal Corporation) ay minimum po ng 6 na buwan,” paliwanag ni Bautista, na isa ring deputy national statistician ng Philippine Identification System Registry Office.


Samantala, target ng PSA na makapagrehistro ng 90 milyong Pilipino para sa National ID system sa pagtatapos ng 2022.


Matatandaang noong Oktubre 2020, nagsimula ang 3-step PhilSys registration process ng national ID, kung saan prayoridad ang mga low-income households mula sa 32 mga lalawigan.


Ang Step 1 ay pagbibigay ng demographic information habang ang Step 2 ay pagba-validate ng mga supporting documents at pagkuha ng biometric information.

Ang huling step ay pag-iisyu na ng PhilSys Number at ang delivery ng PhilID cards.


 
 

ni Lolet Abania | September 8, 2021


ree

Aabot na sa 42 milyong Pilipino ang sinimulan ang proseso ng pagkuha ng kanilang national ID. Ayon sa report ni Socioeconomic Planning Secretary Karl Kendrick Chua kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Cabinet briefing na ipinalabas ngayong Miyerkules, nasa 41,970,083 Pilipino na ang nakapag-register para sa Step 1 o ang demographic data collection hanggang Setyembre 3, 2021.


Nasa kabuuang 28,682,680 indibidwal naman ang nakakumpleto na para sa Step 2 registration o ang biometrics capture, habang 1,584,621 Pinoy ang nakatanggap naman ng kanilang PhilID cards.


Target ng pamahalaan na makapagrehistro para sa national ID ng tinatayang 50 hanggang 70 milyong indibidwal bago matapos ang taon.


“We aim to register 50 to 70 million Filipinos with the PhilSys and achieve 100% financial inclusion at the family level by the end of the year. This will help the government efficiently identify beneficiaries for social protection programs and spark the widespread use of electronic payments to accelerate the digital economy,” ani Chua sa isang statement noong nakaraang Hulyo.


Ayon pa kay Chua, hanggang nitong Agosto 22, nasa 5.2 milyong registrants ang nakapag-sign up na para sa kanilang bank accounts.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 5, 2021


ree

Bumagal ang antas ng inflation rate ngayong buwan ng Hulyo dahil umano sa bumagal na paggalaw ng transportation cost, ayon sa tala ng Philippine Statistics Authority (PSA).


Saad ni PSA Chief and National Statistician Claire Dennis Mapa sa isang virtual press briefing, “Ang headline inflation o ang pagtaas ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa ay bumagal sa antas na 4.0% nitong Hulyo 2021.


“Ang dahilan ng pagbagal ng antas ng inflation nitong Hulyo 2021 ay ang mas mabagal na paggalaw ng presyo ng Transport na may 7.0% inflation at 77.5% share sa pagbaba ng pangkalahatang inflation sa bansa."


Samantala, ang target range ng pamahalaan ay 2% hanggang 4% inflation rate.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page