top of page
Search

ni MC @Sports News | Nov. 3, 2024




Naging tulay ang tatlong gintong medalya mula sa Olympics kasunod ang apat pang Asian Games gold medals—kasama na ang natatanging men’s basketball title—na binigyang-diin ni Abraham “Bambol” Tolentino sa loob ng 4 na taon niya bilang pangulo ng Philippine Olympic Committee (POC).


Dagdag pa ang overall championship sa matagumpay na pag-host ng bansa sa 30th edition ng Southeast Asian Games noong 2019 kung saan nagwagi ang Pinoy athletes ng 149 gold, 117 silver at 121 bronze medals sa may 56 sports—higit sa 50 golds nang sumegunda sa Vietnam.


Sa administrasyon ng POC administration na pahirapan nang mahigitan lalo't may Carlos Yulo na naka-2 gymnastics gold medals sa Paris 2024 at bago iyan ay si weightlifter Hidilyn Diaz-Naranjo na unang naka-ginto sa Olympics noong Tokyo 2020.


“It’s about teamwork, it’s about setting and achieving goals, it’s about cooperation,” ani Tolentino na ayon sa kanyang video tinawag niyang “My Working Team” para sa muling halalan ng POC sa Nob. 29 sa East Ocean Palace Restaurant sa Paranaque City.


Tuwing apat na taon maghalal ng pamunuan sa POC kasabay ng Olympic cycle. Sa Nobyembre, ani Tolentino pinuno rin ng cycling federation mula 2008, pakay ding muling pamunuan ang pinakamataas na sports-governing body sa bansa kasama ang “Working Team” na sina Alfredo “Al” Panlilio (basketball) First Vice President, Rep. Richard Gomez (modern pentathlon) 2nd Vice President, Dr. Jose Raul Canlas (surfing) Treasurer at Donaldo “Don” Caringal (volleyball) bilang Auditor at Alexander “Ali” Sulit (judo), Ferdinand “Ferdie” Agustin (jiu-jitsu), Leonora “Len” Escolante (canoe-kayak) at Alvin Aguilar (wrestling) at Leah Jalandoni Gonzales (fencing) bilang miyembro ng Executive Board.


Ang pag-file ng kandidatura ay nagsimula noong Okt. 15 at magtatapos ngayong Okt. 30.

 
 

ni Lolet Abania | October 7, 2021


ree

Patuloy sa paghakot ng medalya ang Pilipinas ngayon sa 2021 International Weightlifting Federation (IWF) Youth World Championship sa Saudi Arabia matapos na isa pang batang lifter ang nagkamit ng kabuuang tatlong medalya.


Nasungkit ng 16-anyos na si Rose Jean Ramos, ang dalawang gold medals at isang silver sa women’s 45 kilogram division nitong Miyerkules.


Nagawang buhatin ng teen ace ang 67 kg at agawin ito kay Ruth Fuenteria ng Spain na nakakuha ng silver sa 63 kg na bigat habang bronze medalist si Najla Khoirunnisa ng Indonesia na may 62 kg.


Malinis na tinapos ng Zamboanga native ang laro nang matagumpay niyang mabuhat ang 78 kg at 80 kg subalit bigo si Ramos sa kanyang third attempt sa 82 kg. Gayunman, ang nakuha niyang 80 kg ay nagbigay naman sa kanya ng silver medal.


Naitala ni Ramos ang overall gold matapos ang total tally niya na 147 kg., habang si Oliwia Drzazga ng Poland ay nakakuha ng kabuuang 143 kg para sa silver at si Khoirunnisa para sa bronze na may 142 kg.


Ang tagumpay ni Ramos, ang pinakabagong dagdag na koleksyon ng mga medalya sa mga tournament ng Pilipinas.


Kabilang na rin dito si Jeaneth Hipolito na nakakuha ng bronze medal sa women’s 40 kg class nitong Martes.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | April 12, 2021



ree

Isasailalim sa 10 araw na lockdown ang admission offices ng Philippine Sports Commission (PSC) sa Rizal Sports Memorial Complex, Manila at PhilSports Complex, Pasig simula bukas, April 13, matapos magpositibo sa COVID-19 ang 63 empleyado, ayon sa naturang government sports-funding agency.


Ayon sa PSC, inaprubahan ng Malacañang ang kanilang request para sa lockdown ngayong Lunes at magsasagawa rin sila ng disinfection sa mga pasilidad.


Nagpatupad din ang office operations ng PSC ng work-from-home arrangement upang makapagpatuloy sa pagseserbisyo sa publiko.


Pahayag pa ni Chief of Staff Marc Velasco, "We hope to break the transmission during those days, to arrest the spread of COVID-19 among our employees.


"We are still waiting for some test results and we are hoping that we do not add any more positives.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page