top of page
Search

ni Lolet Abania | December 12, 2022



Inalerto na ng Philippine Red Cross (PRC) ang kanilang network ng mga barangay-based volunteers na maging mapagbantay laban sa banta ng hand, foot and mouth disease (HFMD).


Ayon sa PRC, ang HFMD ay isang highly contagious viral infection na karaniwang tumatama sa mga sanggol at mga bata. “PRC’s Health Services Team has alerted all our 100+ chapters — and our RC143 volunteers — to be vigilant and report to our Operations Center information from the barangays on HFMD cases,” pahayag ni PRC chairman at CEO Richard Gordon sa isang statement.


Noong nakaraang linggo inanunsiyo na rin Department of Health (DOH) na tumataas ang mga kaso ng naturang sakit sa NCR. Batay sa DOH, 155 kaso ng HFMD ang nai-record mula Oktubre hanggang Disyembre 6 sa Metro Manila.


Karamihan sa mga kaso nito ay mga bata, subalit wala namang naiulat na namatay sa nasabing panahon. Sinabi ng PRC, “those infected by HFMD are most contagious during the first week of their illness. Its incubation period is 2 to 14 days.”


Kabilang sa mga sintomas ng sakit ay lagnat, sore throat, malaise, blister-like lesions sa dila, gums, at sa loob ng mga pisngi, pagka-irita ng mga sanggol at toddlers, at walang ganang kumain.


Ayon pa sa PRC, “HFMD is transmitted through contact with nose and throat discharges and saliva of infected persons and contaminated objects.” “Good hygiene, such as proper handwashing, could decrease the risk of spreading the disease. Disinfection of premises and all infected surfaces will also help,” dagdag ng PRC.


 
 

ni Zel Fernandez | May 4, 2022



Aabot sa 103 pamilyang nasunugan sa Brgy. UP Campus nitong nakaraang araw ang nadulutan ng pinansiyal na suporta ng Philippine Red Cross – Quezon City Chapter.


Ayon sa ulat, bawat residente umano na nasunugan ng pagmamay-aring bahay ay nakatanggap ng ₱10,000, habang ₱5,000 naman ang ipinagkaloob ng Red Cross sa mga nangungupahan.


Kaugnay nito, sa kasalukuyan ay pansamantala pa ring nanunuluyan sa Sampaguita at Kamia Residence Hall ang mga nasunugang pamilya.


Samantala, nauna nang pinagkalooban ng mga relief packs at hot meals mula sa Quezon City government at iba pang organisasyon ang mga residenteng nasunugan sa UP Campus.


 
 

ni Lolet Abania | June 25, 2021



Darating ang 1,500 doses ng Moderna vaccine kontra-COVID-19 na gawa ng Amerika na binili ng Philippine Red Cross (PRC) sa Sabado, June 26.


Sa forum ngayong Biyernes na inorganisa ng Ateneo de Manila University alumni association, sinabi ni Gordon na inaasahan nilang darating sa bansa ang Moderna doses bukas. “This weekend. Tomorrow. Certainly, I’m sure it’s gonna arrive, I have no reason to believe it’s not gonna arrive,” ani Gordon. Ipinunto niya na ang ginawa ng PRC na pagkuha ng COVID-19 vaccine ay dahil sa mabagal na delivery ng mga doses na inorder ng pamahalaan. “We ordered putting out our own money because hindi dumadating ‘yung mga vaccines. Nakitulong na kami," sabi ni Gordon.


Paliwanag pa ni Gordon, kung siya ang in-charge sa vaccine procurement, papayagan niya ang mga private sectors na bumili ng sarili nilang doses at isailalim ito sa superbisyon ng mga medical experts. “Our objective is to vaccinate as fast as we can and if people can afford to pay, we can recover our cost, we’d do that. We don’t charge extra, we just make sure we’re able to vaccinate a lot more people,” diin niya.


Matatandaang noong May, nabanggit ni Gordon na ang PRC ay mag-a-administer ng Moderna COVID-19 vaccine sa kanilang mga miyembro at donors.


Maaari aniyang pagbayarin ng PRC ang kanilang miyembro na handang pasanin ang gastos ng bakuna na halagang US$26.83 per dose at dagdag na administration fee, kabilang dito ang syringes, gloves, PPEs, pagkain at allowances ng mga doktor at nars, at iba pang essential expenses na may kaugnayan sa pagbabakuna.


Subalit nilinaw ng PRC na isa itong humanitarian organization at aniya, “Is not in the business of selling any vaccines. It does not charge for anything that it got free.”


 
 
RECOMMENDED
bottom of page