top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | February 26, 2022


ree

Ide-deploy sa Samar ang 230 pulis upang masiguro ang mapayapa at maayos na eleksiyon sa Mayo.


Ayon kay Brigadier Gen. Bernard Banac, director for the Eastern Visayas region, ipapadala ang mga pulis simula Marso 1. Mananatili sila roon hanggang matapos ang election period.


“We will deploy an additional number of policemen in Samar just to ensure that the conduct of the national and local elections will be safe, orderly, and peaceful,” ani Banac.


“So as much as possible, we don’t want any untoward incident to take place between now and until the election period is over,” dagdag niya.


Ayon sa regional police director, ang karagdagang police force na manggagaling sa regional headquarters ay tutulong upang maiwasan ang mga untoward incidents.


Sinabi rin ni Banac na susuportahan nila ang anumang inisyatibo para sa kapayapaan sa Samar at iba pang parte ng rehiyon.

 
 

ni Lolet Abania | September 15, 2021


ree

Inihayag ngayon ni Philippine National Police (PNP) Chief Police General Guillermo Eleazar na walang itatakdang mga checkpoints sa National Capital Region (NCR) kapag isinailalim na ang rehiyon sa Alert Level 4 bukas, Huwebes.


Sa isang interview, sinabi ni Eleazar na ang pagde-deploy nila ng mga pulis ay nakatuon na lamang sa mga lugar na nasa ilalim ng granular lockdowns. “Wala na tayong checkpoint sa operation dahil narinig naman natin ng uniform naman itong Level 4 [Alert Level 4 in NCR],” ani Eleazar .


Paliwanag pa ni Eleazar na ang pagpapatupad ng granular lockdowns ay hindi na bago sa kapulisan dahil sa may 50 lugar sa Metro Manila ang kasalukuyang nakasailalim sa naturang restrictive measure.


Una nang inianunsiyo nitong Martes ni Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na ang NCR ay isasailalim sa Alert Level 4 simula sa Huwebes sa gitna ng COVID-19 pandemic.


Sa ilalim ng Alert Level 4, ang ikalawang pinakamataas na alert level sa bagong scheme ng pamahalaan, ay iyong may mga kaso ng COVID-19 na mataas ang bilang o nadaragdagan pa habang ang kabuuang mga kama at ICU beds ay nasa high utilization rate.


Ang mga hindi pinapayagan o bawal lumabas ng kanilang bahay na nasa ilalim ng Alert Level 4 ay mga edad 17 pababa, mga 66-anyos pataas, mga mayroong immunodeficiencies, comorbidities, o iba pang may panganib sa kalusugan, mga buntis.


Ang mga indibidwal naman na papayagan o maaaring lumabas ng bahay ay iyong mga kukuha o bibili ng mga essential goods at services, o magtatrabaho sa mga industriya o opisina na pinayagang mag-operate ng gobyerno.


Gayundin, sa ilalim ng Alert Level 4, ang intrazonal at interzonal travel para sa mga indibidwal ay maaaring payagan subalit nakadepende ito sa ipinatutupad na regulasyon ng LGU na destinasyon o nais na puntahan.

 
 

ni Lolet Abania | September 5, 2021


ree

Pumalo na sa kabuuang 35,561 ang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa mga personnel ng Philippine National Police (PNP) matapos na makapagtala sa kanilang hanay ng 219 bagong kaso ng infections ngayong Linggo.


Gayunman, sa naturang bilang ay nasa 2,181 ang active cases ng COVID-19.


Sa report ng PNP Health Service, may 113 kaso naman ang nakarekober sa infection kaya umabot na sa kabuuang 33,272 ang gumaling sa virus sa kanilang organisasyon.


Nananatili naman sa 108 mga pulis ang naitalang nasawi dahil sa COVID-19.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page