top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | January 27, 2022



Itinalaga ni Philippine National Police Chief Gen. Dionardo Carlos si Police Col. Jean  Fajardo bilang bagong spokesperson ng PNP.


Sa isang pahayag, sinabi ng PNP Public Information Office (PNP-PIO) nitong Miyerkules ng gabi na papalitan ni Fajardo, na isang abogado, si newly-promoted Brig. Gen. Roderick Augustus Alba.


Pamumunuan na ngayon ni Alba ang buong PNP-PIO, maliban sa pagiging national coordinator ng PNP kasama ang Presidential Task Force on Media Security, at bilang executive producer ng public affairs programs sa iba’t ibang media platforms.


Si Alba ay mula sa Philippine National Police Academy (PNPA) Class of 1992, habang si Fajardo ay miyembro ng PNPA Class of 1996. Si Fajardo ay graduate sa Jose Rizal University’s College of Law at naging abogado noong 2009


Nagsilbi naman bilang deputy director for operations ng PNP’s Drug Enforcement Group (DEG) si Fajardo, at naging provincial director ng Pampanga, at dating hepe ng Police Regional Office 3’s Intelligence Division.

 
 

ni Lolet Abania | January 26, 2022



Ipinahayag ng Philippine National Police (PNP) na sila ay nagsasagawa ng “continuous” background check sa lahat ng presidential aspirants kasunod ng naging statement ni Pangulong Rodrigo Duterte sa umano’y corrupt candidate na tatakbo sa 2022 elections.


“Continuous naman po ‘yun,” sabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos sa isang press conference ngayong Miyerkules.


“At the end of the day, we will not jump the gun. We are not directed to name names. We will just do our work. Submit our report to our command line, leadership,” paliwanag ni Carlos.


Sa isang pre-recorded na Talk to the People ng Pangulo na ipinalabas nitong Martes, binanggit ni Pangulong Duterte na ilalantad din niya sa publiko kung sino sa mga presidentiables ang aniya, “most corrupt.” “In due time, I will personally name the candidates, maybe what is wrong with them.


Kailangan malaman ng tao, because you are electing a president,” sabi ng Punong Ehekutibo.


“[I will tell you] kung sino iyong pinaka-corrupt na kandidato. Hindi ako namumulitika. I am talking to you as your president. There are things you must know,” diin pa ni Pangulong Duterte.


Sa naunang pahayag, inakusahan ni Pangulong Duterte ang isang hindi pinangalanang kandidato na aniya ay isang cocaine user. Ayon kay Carlos, wala pa rin silang ebidensiya na susuporta sa pahayag ng Pangulo.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | January 24, 2022



Umabot na sa 318 ang bilang ng mga nahuling lumabag sa election gun ban, ayon sa Philippine National Police nitong Linggo.


Batay sa datos ng PNP, 41 ang naaresto nitong Linggo kung saan lahat ito ay pawang mga sibilyan.


Sa ngayon ay nasa 45,638 na ang mga checkpoint sa bansa upang ipatupad ang gun ban.


Ang mga violators ay posibleng maparusahan ng pagkakakulong mula 1 hanggang 6 na taon, disqualification to hold public office, at deprivation of the right to vote.


Samantala, ang campaign period para sa national at local elections ay magsisimula sa February 8 at March 25.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page