top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022



Umabot na sa 1,636 ang naaresto sa paglabag sa Commission on Elections (Comelec) gun ban, ayon sa Philippine National Police (PNP) noong Linggo.


Kabilang sa mga nahuli ay 1,589 civilians, 23 security guards, 15 police officers, at 9 military personnel.


Sa isinagawang 1,516 police operation, nakakumpiska ng 1,268 firearms, 7,106 pieces ng ammunition, at 586 deadly weapons.


Batay sa datos ng PNP, ang top 5 regions na may pinakamaraming nahuling violator ay National Capital Region (536), Central Visayas (171), Central Luzon (116), Calabarzon (173), at Western Visayas (93).


Ayon sa Comelec Resolution No. 10728c ipinagbabawal ang pagdadala, pagbitbit, o pag-transport ng mga firearms o deadly weapons sa labas ng tahanan at sa lahat ng pampublikong lugar mula Jan. 9 hanggang June 8.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | February 10, 2022



Bumili ang Philippine National Police (PNP) ng mga bagong bangka, trucks, jeeps, at mga radyo na nagkakahalagang P576.67 million upang masuportahan ang mga police operations.


“These vehicles and communication equipment make up the backbone of police operations, the field that are expected to further boost police patrol and visibility in land and sea environment to meet requirements for greater police presence in communities under heightened COVID alert levels and to support KASIMBAYANAN SAFE initiatives for the forthcoming 2022 national and local elections,” ani PNP chief Police General Dionardo Carlos nitong Miyerkules.


Noong nakaraang linggo, ni-launch ng PNP ang kampanyang Secure, Accurate, Free and Fair National and Local Elections (SAFE) 2022 kung saan tinipon ang poll watchdogs, religious groups at concerned government agencies.


Kabilang din sa mga bagong gamit ng PNP ay ang 10 police high-speed tactical watercraft powered by twin 250 horsepower engines.


Kasama rin sa mga na-acquire ng PNP ang 34 six-wheel utility trucks, 123 4x2 patrol vehicles, 170 low-band VHF tactical radio sets, at 1,628 handheld digital mobile radio transceivers.


“With more communication equipment available, we can now swiftly provide immediate rapid reaction to calls for police assistance and emergency response,” ani Carlos.


Ang procurement program na ito ay pinondohan sa ilalim ng PNP Capability Enhancement Program for 2020 and 2021, ayon sa ahensiya.

 
 

ni Lolet Abania | February 9, 2022



Mapayapa sa kabuuan ang unang araw ng campaign period para sa lahat ng kandidato na tatakbo sa national positions sa May 9 elections, ayon sa Philippine National Police (PNP).


Sa isang radio interview, sinabi ni PNP spokesperson Police Colonel Jean Fajardo na mayroon lamang na tatlong nai-report na insidente ng karahasan sa Mindanao subalit aniya, wala itong kaugnayan sa eleksyon.


“So far, base po sa mga na-receive nating report, ay generally peaceful naman po ‘yung first day po ng campaign period ng ating mga national candidate,” diin ni Fajardo.


Subalit, ayon kay Fajardo, naobserbahan nila na ang social distancing protocol na itinakda dahil sa panganib pa rin ng COVID-19 ay nilabag sa ilang campaign rallies.


Inamin naman ng opisyal na ang pagpapatupad ng minimum public health standards sa mga campaign rallies ay malaking hamon sa pulisya.


Una nang sinabi ni Fajardo na ipapatupad ng PNP ang maximum tolerance sa pag-iimplementa ng mga election guidelines at COVID-19 health standards sa lahat ng campaign rallies upang maiwasan ang anumang tensyon sa panahon ng nasabing aktibidad.


Aniya, tututukan ng PNP ang pagpapatupad ng election guidelines na itinakda ng Commission on Elections, habang ang mga barangays officials nakatuon naman para tiyakin na nasusunod ang minimum public health standards.


Opisyal na nagsimula nitong Martes, Pebrero 8, ang 90-day official campaign period para sa mga kandidato na tatakbo sa national positions.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page