top of page
Search

ni Lolet Abania | December 5, 2021



Handa na ang Philippine National Police (PNP) sa pagbibigay ng seguridad para sa pilot implementation ng face-to-face classes sa 28 paaralan sa Metro Manila na magsisimula bukas, Disyembre 6.


Sa isang statement ngayong Linggo, sinabi ng PNP na mayroon na silang listahan ng mga kalahok na eskuwelahan, kung saan asahan na ang mga naka-deploy na mga pulis.


“The resumption of the face-to-face learning setup is not new anymore for us since other schools have already started this last November. We just have to follow the template and remind our police personnel to strictly limit themselves from going inside school premises unless there is a request for security assistance,” ani PNP Chief Police General Dionardo Carlos.


Ipinaalala rin ng PNP sa mga estudyante, mga magulang at guardians na patuloy na sumunod sa minimum health standards para maiwasan ang pagkalat ng virus.


 
 

ni Lolet Abania | November 18, 2021



Ipinamahagi na ng Philippine National Police (PNP) ngayong Huwebes ang mahigit sa P8 bilyon na mandated na 2021 yearend bonus at cash gift ng 222,418 kawani ng ahensiya.


Sa isang statement, sinabi ni PNP chief Police General Dionardo Carlos na ang naturang halaga ay galing sa regular PNP appropriations program ng 2021 budget ng PNP.


Ayon kay PNP Finance Service Director Police Brigadier General Jose Melencio Nartatez Jr., nai-credit ang yearend bonus at cash gift sa individual payroll accounts ng kanilang personnel sa Land Bank of the Philippines.


Ang year-end bonus ng mga pulis ay katumbas ng isang buwang basic pay habang ang cash gift naman ay pro-rated ng P5,000, na nakapaloob sa guidelines in reference sa tinatawag na Fiscal Directive Number 2016-16 o “Payment of Year-End Bonus and Cash Gift for FY 2016 and Years Thereafter.”


Gayunman, ayon sa ahensiya ang mga bonuses na nag-exceed sa P90,000 ay taxable. Apektado dito ang 15,587 PNP personnel.


Batay din sa guidelines, “They are subject to the yearend tax adjustments effective November and December 2021 pursuant to the TRAIN Law or Republic Act 10963 and BIR Revenue Regulations 9-2018 and 11-2018, and shall resume the regular monthly tax deduction on January 2022.”


Ayon naman kay PNP spokesperson Police Colonel Roderick Augustus Alba, ang pagbibigay ng 2021 yearend bonus at cash gift ay ipinagpaliban muna sa mga kawani ng PNP na may naka-pending na administrative cases.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 10, 2021



Kahapon ay ginanap ang huling flag raising ceremony na dinaluhan ni PNP Chief Gen. Guillermo Eleazar bago ito magretiro bilang hepe ng Philippine National Police.


Si Eleazar ay magreretiro na sa serbisyo sa darating na Sabado, November 13, 2021 sa pagsapit ng kaniyang 56th birthday na siyang mandatory age of retirement.


Sa talumpati ni PNP chief, isa-isa nitong pinasalamatan ang mga nagbigay-suporta sa kanyang administrasyon.


Nagpasalamat din siya sa buong police force sa mga ipinatupad nitong polisiya lalo na ang internal cleansing campaign.


Ipinagmalaki naman ng PNP chief na sa ilalim ng kanyang pamumuno ay nagawa nilang mapataas ang trust rating ng PNP.


Sa kanyang Facebook post ay ibinahagi rin niya ang kanyang Final Monday Flag Ceremony as CPNP - Nov 8, 2021 na may caption na: “Inilunsad natin ang Internal Disciplinary Mechanism Information System (IDMIS). Nagkaroon din ng awarding ng scholarship para sa ilang PNP personnel sa ilalim ng PNP-BOC-ASoG Emerging Leaders fellowship Grant. Nagpapasalamat ulit tayo para sa League Magazine front cover. Nagkaroon din ng signing ng Deed of Donation at ceremonial turnover ng mga donasyon galing sa iba’t ibang stakeholders at blessing ng mga bagong patrol cars ng PNP. Maraming salamat po sa lahat ng tulong ninyo sa amin sa PNP.”


Ayon pa kay Eleazar, sa kanyang maikling panunungkulan, ang magandang maiiwan nito sa organisasyon ay ang pagtataas ng tiwala at kumpiyansa ng publiko sa kapulisan.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page