top of page
Search

ni Lolet Abania | May 13, 2022



Ligtas ang limang crew ng Philippine Air Force (PAF) NC212i na sakay ng eroplano, matapos na sumabog ang gulong nito habang pababa na ito sa Laoag Airport, ngayong Biyernes nang umaga.


“On or about 10:32 a.m., 13 May 2022, an NC212i with tail Nr 2119 experienced a blown tire during landing roll at Laoag Airport,” saad ng PAF sa isang statement.


“The pilots performed an emergency procedure and shut down the engine at the runway,” dagdag ng PAF.


Ayon sa PAF, safe naman ang lahat ng aircrew at walang nai-report na nasaktan dahil sa insidente.


Sa ngayon, nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay sa nangyaring insidente.


“The PAF will continue to adhere to strict safety protocols to ensure the safe operation of its aircraft and equipment,” pahayag pa ng PAF.


 
 

ni Lolet Abania | February 18, 2022



Patay ang tatlong tauhan ng Philippine Air Force (PAF) habang nakaligtas ang isa pa, matapos na sumalpok sa mga concrete barrier at magliyab ang kanilang sinasakyang kotse sa EDSA sa Quezon City, ngayong Biyernes ng madaling-araw.


Batay sa ulat, bandang alas-2:00 ng madaling-araw nang maganap ang insidente sa southbound ng EDSA, ilang metro lamang ang layo mula sa P. Tuazon tunnel sa Quezon City.


Kinumpirma naman ng PAF na mga tauhan nila ang mga biktima, kung saan tatlo ang nasawi habang ang isa pa ay agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.


“The accident involved four (4) PAF personnel wherein three (3) were confirmed dead,” pahayag ng PAF. “The only survivor was brought to a hospital for immediate medical treatment.”


Patuloy ang imbestigasyon sa nangyaring insidente, ayon pa sa PAF.


“The PAF is coordinating with proper authorities on this investigation,” ani ahensiya.

 
 

ni Lolet Abania | December 7, 2021



Nagtalaga na si Pangulong Rodrigo Duterte ng mga bagong hepe ng Philippine Army at ng Philippine Air Force ngayong Martes.


Si Major General Romeo Brawner Jr. ang mamumuno sa Army habang si Major General Connor Anthony Canlas naman ang na-appoint bilang Air Force chief.


Papalitan ni Brawner si Armed Forces chief Lieutenant General Andres Centino habang si Canlas ang papalit kay Lieutenant General Allen Paredes na umabot na sa kanyang mandatory retirement age na 56 ngayong Martes.



Files: Defense Sec. Delfin Lorenzana



Bago maging Army chief, matatandaang nakaligtas sina Brawner at ang kanyang pamilya sa kamatayan na naganap nito lamang Hulyo ng kasalukuyang taon.


Lulan sina Brawner at pamilya niya sa C-130 plane, kung saan nagdala sa kanila sa Cagayan de Oro bago ito nag-crash sa Patikul, Sulu noong Hulyo 4.


Ang naturang insidente ay pumatay sa mahigit sa 50 katao na karamihan ay mga sundalo.


“Para sa akin panibagong buhay ito. It was a close call,” sabi ni Brawner, na commander noon ng 4th Infantry Division ng Philippine Army sa nakaraang interview sa kanya sa radyo.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page