top of page
Search

by Info @Brand Zone | April 14, 2023




Inihayag ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) na natanggap nito ang pinakamataas na net satisfaction rating mula sa mga miyembro batay sa nationwide survey ng Novo Trends Ph, Inc. na isinagawa noong Setyembre 2022.


Ayon sa serbey, nagresulta sa 93.75% ang net satisfaction rating ng ahensya mula sa 3,000 miyembro na sinerbey ng Novo Trends sa iba’t-ibang tanggapan nito sa buong bansa.


Ang “kalidad ng PhilHealth staff at serbisyong kanilang natanggap, kasiyahan sa impormasyong ibinigay sa kanila lalo na sa paggamit ng benepisyo, kalidad ng pasilidad sa mga Local Health Insurance Offices, at mga benepisyong natanggap ng kanilang pamilya sa pagkaka-ospital” ang mga pangunahing dahilan ng kanilang kasiyahan o satisfaction batay sa serbey.


Tumaas naman sa 86.79% ang net satisfaction rating na ibinigay ng mga ospital at iba pang pasilidad o halos sampung porsyentong pagtaas mula 77.14% noong 2021.


Nasiyahan sila sa “mabilis na transaksyon, mabait na staff at mas updated na pagbabayad ng PhilHealth”.


Nakatanggap naman ng 86.31% net satisfaction rating ang PhilHealth mula sa mga employer na nagsabing “madali ang pagbabayad at magagalang ang empleyado”, samantalang 79.83% naman ang rating mula sa healthcare professionals na tinukoy ang “mabilis na aksyon at magalang na mga tao” at “malaking ibinuti ng serbisyo at pasilidad” sa mga tanggapan ng PhilHealth.


Ang lahat ng net satisfaction rating ng mga miyembro, pasilidad, healthcare professionals at employers ay pawang “excellent” o mahusay.


“Nagsalita na ang mga tao sa tunay na saloobin nila sa PhilHealth. Kami po ay lubos na natutuwa sa magandang balitang ito at ito ay dahil sa pagsisikap ng buong Team PhilHealth.


Makakaasa ang ating mga kababayan na ipagpapatuloy namin ang de-kalidad na serbisyo para lalo nilang maramdaman ang mga benepisyo ng PhilHealth at Universal Health Care.” , pahayag ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr..



Benepisyong handog ng PhilHealth!

Protektahan natin ang kalusugan ng bawat Filipino.


Para sa detalye: Maaaring bisitahin ang official website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph. CALLBACK CHANNEL: 0917-8987442 (I-text ang "PHIC callback <space> mobile number o Metro Manila landline ninyo <space> tanong o concern" at kami ang tatawag sa inyo.)


 
 

by Info @Brand Zone | April 5, 2023



Ibinalik na sa 60 days ang pagsusumite ng benefit claims ng mga accredited healthcare facilities sa PhilHealth simula Enero 1, 2023.


Ayon sa ipinalabas na PhilHealth Advisory 2023-0012, nagtapos na ang mas mahabang filing period na 120 days kaalinsabay ng pagtatapos ng State of Calamity sa bansa dahil sa COVID-19 noong Disyembre 31, 2022.


Maliban sa 60-day filing period, ipinatutupad na rin ng ahensya ang polisiya nito sa 45-day limit kada taon at single period of confinement simula ngayong 2023.


Kaugnay nito, nanawagan si PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. sa lahat ng partner facilities na siguruhing naisusumite ang kanilang claim sa takdang panahon para maiwasan ang pagka-deny sa mga ito. “Mahalaga rin na maayos ang isinusumiteng claims ng ating mga partner accredited facilities para mabayaran ang mga ito alinsunod sa mga batas at regulasyong sinusunod ng PhilHealth bilang ahensya ng gobyerno,” wika nito.


Hinimok din ni Ledesma ang mga ospital na makipag-ugnayan sa PhilHealth Regional Offices para ipagpatuloy ang pag-reconcile ng claims data at para sa iba pang tulong na maaari nilang kailanganin upang mapagsilbihan ang mga miyembro ng PhilHealth at kanilang mga pamilya.


Noong 2022, ang pangunahing dahilan ng denied claims ay pagkaantala sa pagsusumite sa itinakdang filing period. “Patataasin po namin ang kaalaman ng mga providers at ng kanilang billing personnel patungkol sa ating mga polisiya para maiwasan na ang mga denied at depektibong claims” dagdag pa ni Ledesma.



Benepisyong handog ng PhilHealth!

Protektahan natin ang kalusugan ng bawat Filipino.


Para sa detalye: Maaaring bisitahin ang official website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph. CALLBACK CHANNEL: 0917-8987442 (I-text ang "PHIC callback <space> mobile number o Metro Manila landline ninyo <space> tanong o concern" at kami ang tatawag sa inyo.)


 
 

by Info @Brand Zone | March 16, 2023



ree

Lumagda kamakailan ng isang Memorandum of Understanding (MOU) ang Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) at Department of Information and Communication Technology (DICT) upang magkaroon ng synchronized at well-coordinated ICT system at mas matiyak ang integration, interoperability at interconnection ng systems at applications ng dalawang ahensya.


Dahil sa nasabing kasunduan, inaasahang mapapabuti ang serbisyo ng PhilHealth sa 111 milyong Filipino nasaan man sila sa mundo.


Sa ilalim ng partnership, susuriin ng DICT ang kasalukuyang sistema ng PhilHealth para makapagbigay ng rekomendasyon at istratehiya para mapagbuti pa ang ICT system ng nasabing ahensya.

“Maraming proseso at serbisyo ang PhilHealth na kailangan ng computerization at digitalization upang lalong maging mabilis at kasiya-siya sa lahat ng Filipino. Isa ito sa mga plano na inilahad namin kay President Bongbong Marcos Jr. Hindi namin bibiguin ang Pangulo at ang lahat ng kababayan natin”, ani ni PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr.. Nagpasalamat din siya sa DICT team sa pangunguna ni Sec. Ivan John Uy at Usec. David Almirol, Jr. para sa kanilang suporta sa PhilHealth digital transformation plan.


Sinabi naman ni Sec. Uy na ang kasunduan ay maituturing na “milestone in terms of e-governance” dahil ito ay tutugon sa matagal nang hamon ng pagdi-digitize ng public health care. Dagdag pa ni Uy, makakatulong ang naturang partnership sa pagbibigay ng mas mabuting serbisyo at pagpapadali ng paggamit ng benepisyong PhilHealth.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page