top of page
Gerald Anderson, Kim Chiu, Julia Barretto at Bea Alonzo - IG.jpg
Search

by Info @Brand Zone | Feb. 14, 2025



Alagang PhilHealth

Ipinagdiriwang ngayong buwan ng Pebrero ang National Health Insurance Month kung saan nilalayong palakasin at pasiglahin ang kamalayan ng mga Pilipino sa mahalagang papel ng segurong pangkalusugan.


Ngayong taon ay pinagdiriwang din ang ika-30 anibersaryo ng PhilHealth na itinatag upang pangasiwaan ang pagpapatupad ng programa at tiyaking bawa't Pilipino ay nakaseguro ang kalusugan sa panahon ng kanilang pangangailangang medikal. 


Ang tema ng selebrasyon ay "PhilHealth @ 30: Panatag Kami Dito". Nakatuon ang tema sa patuloy na dedikasyon sa pagpapalawak at pagpapahusay ng mga benepisyo upang matugunan ang mga pangangailangang pangkalusugan ng sambayanang Pilipino.


Patunay sa nagdaang taon ay napakaraming pinagbuti, pinalawak at bagong mga benepisyo ang ipinatupad ng PhilHealth. Kagaya ng pagtaas ng 95% sa mahigit na P9,000 case rates packages, gayundin ang Z benefits para sa Breast Cancer na tumaas ng 1,300 porsyento mula P100,000 hanggang P1.4 milyon, Kidney Transplant mula P600,000 na naging P2.1 milyon na, at Peritoneal Dialysis mula P270,000 na ngayon ay aabot na sa P1.2 milyon kada benepisaryo. 


Pinagbuti rin ang mga pakete sa stroke, high-risk pneumonia, hika neonatal sepsis, malubhang dengue, atake sa puso (angioplasty) at operasyon sa katarata. Pinalawak ang hemodialysis sessions kada taon sa 156 mula sa dating 90 sessions, pagtataas ng bayad mula P2,600 hanggang P6,350 kung saan ang bawat pasyenteng may Chronic Kidney Disease Stage 5 ay maaaring maka-avail ng aabot sa halos isang milyong piso kada taon. 


Nagpatupad din ang PhilHealth ng mga bagong benepisyo gaya ng emergency care package, outpatient therapeutic care benefits package para sa Severe Acute Malnutrition, outpatient mental health services, preventive oral health services at coverage para sa salamin sa mata para sa mga batang hanggang 15 taong gulang. 

Pinalalakas din ang Konsulta Package, ang primary care services ng PhilHealth upang maagapan at hindi na lumala ang sakit dahil sakop nito ang health screening and assessment, konsultasyon, laboratoryo at gamot at medisina ayon sa rekomendasyon 

ng duktor. Ngayon ay pumalo na sa P1,700 ang budget ng PhilHealth sa bawat pasyente kada taon. Kaya gamitin natin ito! 


Nabago na din ang panuntunan sa paggamit ng benepisyo sa paulit-ulit na confinement. Ngayon maaari nang makagamit ng benepisyo ang mga miyembro kung sila ay mao-ospital dahil sa pabalik balik na sakit. 


Sa aming ika-30 taong anibersaryo ay patuloy ang PhilHealth sa pagsisikap na maisagawa ang mas mahusay epektibo, de-kalidad at abot kayang serbisyong pangkalusugan. 


Sa pangunguna ng aming bagong Pangulo at Punong Tagapagpatupad ng PhilHealth na si Dr. Edwin M. Mercado, patuloy naming hatid ang pinalawak na mga benepisyo. Ayon kay PCEO Dr. Mercado: "Ang PhilHealth ay kaisa ni Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., sa hangaring maging malusog ang lahat ng Pilipino. Kaya ang aming pangako sa lahat ng miyembro, tuloy-tuloy ang serbisyo, palalawigin pa natin ang inyong benepisyo." 


Sa lahat ng naging bahagi ng tagumpay ng PhilHealth sa nakalipas na 30 taon, taos puso po namin kayong pinasasalamatan


PAALALA 


Para sa kumpletong listahan ng mga medical at procedure Case Rates na saklaw ng 50% adjustment, mag-login sa www.philhealth.gov.ph. Maaari rin kayong tumawag sa PhilHealth 24/7 hotline, 8662- 2588. Bukas ang aming Action Center anumang oras at araw, pati weekend at holiday!


Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968- 8654670, 0917-1275987, at 0917-1109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click- to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph.

Para sa  listahan ng mga contracted hospitals:  

https://www.philhealth.gov.ph/partners/ providers/facilities/contracted/


Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588

PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS

PhilHealth



 
 

by Info @Brand Zone | Feb. 12, 2025

  • PhilHealth PR
  • PhilHealth PR

PR 2025-03  


A simple turnover ceremony was held at the Philippine Health Insurance  Corporation (PhilHealth) as outgoing PCEO Emmanuel R. Ledesma. Jr. formally  handed over the reins to incoming chief, Dr. Edwin M. Mercado on February 10 in  Pasig City. The event symbolized a smooth transition of leadership at the state health  insurer.  


Dr. Mercado, a US-trained orthopedic surgeon with 35 years of experience in  hospital management, was sworn in by President Ferdinand R. Marcos Jr. at  Malacañang Palace last February 4, 2025. His extensive background in strategic  planning, financial management, and primary care programs positions him well to  lead PhilHealth towards achieving its mission of providing financial access to quality  healthcare for all Filipinos.  


“Tayo po ay tumutugon sa direktiba ng ating mahal na Presidente Ferdinand  “Bong- bong” Marcos, Jr., at ito ay siguruhing tuluy-tuloy ang ating serbisyo at  palalawigin pa ang mga benepisyo”, Mercado announced in his first address to all  PhilHealth employees who convened in a Corporate-wide flag ceremony.  


Mercado thanked Ledesma for his leadership and emphasized his dedication to  further enhancing the program for the benefit of all Filipinos. Under the two-year  leadership of Ledesma, PhilHealth made significant strides especially in benefits  enhancement.  

Ledesma reaffirmed his continuing support to PhilHealth in the implementation of  Universal Health Care. “Leaders may change, but our purpose to provide adequate  health insurance coverage and to ensure that every Filipino has access to  affordable, accessible, and acceptable health care remains the same”, the former  PhilHealth PCEO said.  


Meanwhile, Mercado, vowed to further lower out-of-pocket medical costs for patients  down to as much as 25% from the current 45-47%. “Itutuloy natin ang  pagpapalawak at pagpapabuti ng ating mga benepisyo upang lalo itong madama  ng mga Pilipino sa tuwing sila ay magpapagamot sa ospital”, he pledged.  


To do this, he underscored the importance of obtaining correct and relevant data that  will be used as basis for future benefit enhancements. “Ito ay upang makamit natin  ang hangaring mabawasan ang karagdagang gastusin na magmumula sa sariling  bulsa ng ating mga miyembro tuwing sila’y nagkakasakit”, said Mercado. 


The PhilHealth Chief will also prioritize computerization and digitalization using  modern technologies to enhance member experience, strong engagement with  stakeholders, and improvement of operational processes, “Gagamitin ko ang aking  kakayanan at malawak na karanasan sa larangan ng kalusugan upang tuparin  ang mandato ng Korporasyon”, he said.  


With the help and support of the 9,000 strong employees, Mercado vowed to  announce good news to the public, “We will strive na every 30 days po ay may  ibabahagi tayong magandang balita (para sa mga miyembro)”, he ended.

 
 

ni Fely Ng @Bulgarific | January 5, 2024



Edwin Mercado PBBM

Hello, Bulgarians! Malugod na tinanggap ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang pagtatalaga kay Dr. Edwin M. Mercado bilang kanilang bagong President and Chief Executive Officer (PCEO). Ang buong pamilya ng PhilHealth ay nagpaabot ng buong suporta kay Dr. Mercado habang pinangungunahan niya ang ahensya.


Sa matibay na karanasan ni Dr. Mercado sa larangan ng medisina at napatunayang kahusayan sa pamumuno at pamamahala, tiwala ang ahensya sa pamamagitan ng kanyang pamumuno, patuloy na matagumpay na maisasagawa ng PhilHealth ang mandato ng National Health Insurance Program at matupad ang mga adhikain ng Universal Health Care para sa benepisyo ng lahat ng 115 milyong Pilipino.


Nais din ng PhilHealth na ipaabot ang kanilang labis na pasasalamat kay outgoing PCEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. na nanguna sa napakahalagang mga reporma sa nakalipas na dalawang taon, lalo na sa larangan ng pagbabayad ng mga claim at pagpapahusay ng benepisyo.


Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page