top of page
Search

by Info @Brand Zone | Sep. 27, 2024



Alagang PhilHealth

Alam nyo bang nananatili ang pneumonia na isa sa mga nakamamatay na sakit sa bansa? Lalo na sa mga batang mababa sa limang taong gulang. Dagdag pa ang mahal na gamutan na umabot sa higit P600 milyon ang nagastos ng mga pasyente noong 2012.


Kaya naman ang High-risk Pneumonia ay isa sa mga sakit na binigyang prayoridad ng PhilHealth na mapalawak ang saklaw ng pagbabayad. Ito ay isa sa mga naunang benepisyong pinalawig ng PhilHealth simula pa December 2023.


Sa pagpapalawak ng PhilHealth sa coverage ng pneumonia high-risk, matutulungan nito ang ating mga kababayan na makararanas ng sakit na ito. At babayaran sa pamamagitan ng case-based payment. Sakop ng pagbabayad ang mga dapat ibigay ng ospital ng kaukulang serbisyong medikal.


Ngayon ang benepisyo para sa pneumonia high-risk case rate ay tumaas ng halos 182% na ngayon ay P90,100 mula sa dating P32,000. Saklaw ng pakete ang minimum standards of care, kabilang dito ang mga serbisyo at gamot na kailangan para sa pneumonia high-risk, pati bayad sa kwarto at professional fee ng duktor ay kasama na sa package.


Maaari lamang magkaroon ng out-of-pocket payment o dagdag- bayad ang pasyente kung siya ay gagamit ng mga serbisyong hindi saklaw ng minimum standards of care. Sisingilin din ang pasyente ng karagdagan kung pipili siya ng ibang physician para gumamot sa kaniya. Ang mga ito ay dapat ipaliwanag ng ospital ng pasyente para maiwasan ang kalituhan kapag lumabas na ang final bill ng pasyente.


Kasama rin sa mababayaran kung na-confine ang miyembro sa abroad base sa natitirang balanse na hindi covered ng ibang insurance pero ito ay hindi dapat lumagpas sa halaga ng case rate na nakasaad sa polisiya.


Ang pinataas na benepisyong ito ay para masigurong maibigay sa mga pasyente ang nararapat na kalinga sa kanila sa wastong halaga. Para maiwasan na rin natin iyong mga labis na paggastos sa paggamot.


Ang PhilHealth ay patuloy parin para sa iba pang nakaambang pagpapalawak ng mga serbisyo at benepisyo.


Para sa detalye, tumawag sa 24/7 (02) 8662-2588

PhilHealth Your Partner in Health / BAGONG PILIPINAS



Alagang PhilHealth Benefit

 
 



ree

Tiniyak ng PhilHealth na saklaw nito ang pagpapagamot sa ospital ng mga pasyenteng tinamaan ng leptospirosis o dengue. Ang benepisyo para sa dengue fever ay kasalukuyang nasa P13,000 at P16,000 naman sa severe dengue hemorrhagic fever, habang ang benepisyo para sa leptospirosis naman ay nasa P14,300.


Ayon sa Department of Health (DOH), mula Enero hanggang Hulyo 2024 ay naitala ng 2,115 kaso ng leptospirosis at 208,965 kaso ng dengue naman ang naitala sa unang linggo ng Setyembre.


Siniguro ni PhilHealth Chief Emmanuel R. Ledesma, Jr. na ang mga benepisyong ito ay magagamit sa buong taon at maaaring magamit sa alinmang accredited health facility sa buong bansa.


Bukod sa dengue at leptospirosis, mas pinalalawak ng PhilHealth ang iba pang benepisyo upang magbigay ng sapat na proteksyon sa mga gastusing pangkalusugan. Asahan po ninyo ang patuloy na pagbuti ng mga benepisyo bilang bahagi ng aming programang Pinalawak at mga Bagong Benepisyo para sa Mamayang Filipino,” dagdag pa niya.


Kamakailan ay inanunsyo rin ni Ledesma ang napipintong pagtaas ng pakete para sa severe dengue hemorrhagic fever mula P16,000 na magiging P47,000 ngayong taon. Binigyang-diin din niya na lahat ng Filipino ay awtomatikong makagagamit ng mga benepisyong ito alinsunod sa Universal Health Care (UHC) Law.


Patuloy po naming pinapaalala sa ating mga miyembro na ang lahat ng Filipino ay agarang makagagamit ng benepisyong PhilHealth kailanman at saan man nila ito kailanganin” ayon kay Ledesma. “Ito po ay garantiya ng batas kaya dapat ipatupad ng lahat, lalo na sa mga ospital.


Kung sakaling may mga hindi nabayarang kontribusyon, nilinaw niya na maaari itong bayaran pagkatapos matanggap ng pasyente ang mga benepisyo. “Ang mahalaga ay nagamot muna ang pasyente at nagamit ang benepisyo. Ito po ay nakasaad sa UHC,” paliwanag niya.


Para sa unang kalahati ng taon 2024, mahigit P14.7 milyon na ang naibayad ng PhilHealth sa claims ng leptospirosis, at mahigit P1 bilyon naman para sa dengue.


Para sa karagdagang impormasyon tungkol sa mga benepisyo at serbisyo, maaaring tumawag ang mga miyembro sa 24/7 Hotline ng PhilHealth sa (02) 866-225-88 o sa mga mobile number na (Smart) 0998-857-2957, 0968-865-4670, (Globe) 0917-1275987 o 0917-1109812.

 
 

by Info @Brand Zone | September 9, 2024



Ito ang mariing tiniyak ni PhilHealth President and CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. bunsod ng sunod-sunod na anunsiyo ng paglawak at paglaki ng mga benefit package ng ahensiya na nagsimula pa noong nakaraang taon. 


"Hindi maikakaila na nakikita at nararamdaman na ng mga miyembro ang mas pinagbuting benepisyo nila sa PhilHealth. Sinimulan natin ito sa dialysis kung saan sinagot na natin ang lahat ng sesyon sa isang taon at itinaas pa ang bayad sa bawat sesyon," giit ni Ledesma.


Matatandaang mula sa 90 ay ginawang 156 sesyon na ang sakop ng PhilHealth, at mula P2,600 ay itinaas sa P4,000 ang kada sesyon, na papalo sa P624,000 kada taon mula sa dating P405,600. Idagdag pa na permanente na at ginawa pang "no balance billing" ito ng ahensiya para masigurong mararamdaman ito ng mga pasyente. 


"Naririnig namin ang hinaing ng mga kababayan natin na matulungan sila sa magastos na pagpapagamot. Nakikita at nararamdaman natin iyan sa ating pakikipag-panayam sa mga pasyente. Minamadali namin ang pagpapabuti ng mga benepisyo. Sinimulan lamang namin ito sa mga malulubhang sakit dahil talagang nakakabutas ng bulsa ang gamutan gaya ng breast cancer, pulmunya, stroke, asthma at iba pa,” paliwanag ng hepe ng PhilHealth. 


Kami po ay humihingi ng kaunting pag-unawa sa ating mga kababayan, sapagka’t ang pagpapalawak ng mga serbisyo ay nagmumula sa masinsin at maigting na proseso ng pag-aaral, hindi lamang upang maisaayos ito, ngunit para mailunsad ito sa paraang makabubuti sa nakararami. Walang pagod ang mga kasamahan namin para itaas at palawakin ang mga benepisyong ito upang ipadama sa mga pasyente ang kalinga ng ating pambansang kaseguruhan,” aniya.


Ayon sa health insurance agency, higit-dobleng umento ang ipinatupad nito sa hemorrhagic stroke (P80,000 mula P38,000), ischemic stroke (P76,000 mula P28,000), bronchial asthma (P22,488 mula P9,000), neonatal sepsis (P25,793 mula P11,700), at iba pa.


Ibinida rin nito ang 1,400 porsyentong pagtaas sa Z benefit package sa breast cancer, o hanggang P1.4 milyon mula sa dating P100,000. Idinagdag din ang ultrasound at mammogram sa Konsulta package na libreng mapapakinabangan ng mga kababaihan para maagapan ang breast cancer. Ito ay bukod pa sa 13 laboratoryo at 21 gamot na kasalukuyang makukuha nang libre mula sa higit 2,000 Konsulta providers sa bansa.         


Nitong Pebrero, lahat ng case rates ay itinaas ng 30 porsyento, at isa pang paghigit ng

30 porsyento ang ipatutupad ng PhilHealth bago matapos ang taong 2024. Sa isang panayam ay pinatotohanan ni Dr. Jose Rene de Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines (PHAPI) na, “there was an increase by 30 percent and I think another 30 percent, so magiging malaki na ‘yan, magiging 60 percent na ‘yan. Okay na ho ‘yan, basta walang babayaran halos ang pasyente,” wika niya.


Bukod dito, asahan din ang paglaki sa iba pang benepisyo bago matapos ang taon tulad ng chemotherapy para sa kanser sa baga, atay, cervical at prostate, kasama na rin ang emergency care, open-heart surgeries, ischemic heart disease with myocardial infarction, ST Elevation Myocardial Infarction (STEMI), cataract extraction, peritoneal dialysis, post-kidney transplant, physical and medical rehabilitation, at malubhang dengue.


Iginiit pa ni Ledesma na ang mga hakbanging ito ay para mapagaan ang gastusin ng pasyente sa pagpapagamot at mailaan ang kanilang pera sa iba pang mahalagang bagay.    


"Sa pinagbuting mga benepisyo ay hindi na kailangang mangutang o magsangla ang ating mga kababayan. Sasagutin ng PhilHealth ang malaking bahagi ng gastos sa mga admission sa ward accommodation ng mga ospital, pampubliko man o pribado. Higit sa lahat, mas mapagtutuunan nila ang pagpapagaling mula sa kanilang karamdaman," pagtatapos niya.


PhilHealth

Benepisyong handog ng PhilHealth!

Protektahan natin ang kalusugan ng bawat Filipino.


Para sa detalye: Maaaring bisitahin ang official website ng PhilHealth sa www.philhealth.gov.ph. CALLBACK CHANNEL: 0917-8987442 (I-text ang "PHIC callback <space> mobile number o Metro Manila landline ninyo <space> tanong o concern" at kami ang tatawag sa inyo.)


 
 
RECOMMENDED
bottom of page