top of page
Search

by Info @Brand Zone | Jan. 28, 2025


January 27, 2025 l Press Release 2025-02

 

Alinsunod sa deklarasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. na patuloy na palalawakin pa ang mga benepisyo sa kalusugan kahit walang subsidiya mula sa gobyerno, itinaas kamakailan ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang Z Benefit Package nito para sa Peritoneal Dialysis simula Enero 1, 2025. Ang benepisyo ay mayroon nang hiwalay na mga pakete para sa mga matatanda at mga bata. 


Ayon sa National Kidney and Transplant Institute, ang peritoneal dialysis (PD) ay isang uri ng dialysis kung saan ang sariling peritoneal membrane ng pasyente o lining ng mga abdominal organs at body surfaces sa loob ng abdominal cavity ay ginagamit bilang artipisyal na mga bato o kidney.


Ang pinahusay na PD package ay sumasakop sa iba't-ibang modalities ng RRT batay sa edad. Para sa mga adults o matatanda, sagot ng PhilHealth ang Continuous Ambulatory Peritoneal Dialysis (CAPD), at CAPD at Automated Peritoneal Dialysis (APD) para naman sa mga mas batang pasyente.


"Nais naming hikayatin ang paggamit ng peritoneal dialysis para sa pasyente na may Chronic Kidney Disease Stage 5," sabi ni PhilHealth President at CEO Emmanuel R. Ledesma, Jr. "Ang PD ay isang mabisang opsyon bukod sa hemodialysis, hindi lamang upang bigyan ng awtonomiya at kakayahang pumili ang aming mga miyembro sa modality ng paggamot, kundi upang tiyakin ang kalidad ng buhay at malayang paggalaw ng mga pasyente," dagdag niya.


Para sa mga matatandang pasyente, ang coverage ay P389,640 o P510,140, depende sa mga PD solutions na kailangan ng pasyente bawat araw. Ang package ay dating nasa P270K bawat taon.


Samantala, ang mga benepisyo para sa mga batang pasyente sa ilalim ng CAPD ay mula P510K hanggang P765,210, habang ang coverage para sa APD ay mula P763K hanggang P1.2 milyon. Sinasagot din ng PhilHealth ang exit site infection at peritonitis prevention care pati na rin ang ancillary services gaya ng catheter insertion, outpatient treatment ng PD-related peritonitis at laboratory, diagnostic tests, at mga gamot para sa parehong adult at pediatric cases.


Ayon sa PhilHealth Circular No. 2024-0036, ang mga pasyente na may Chronic Kidney Disease Stage 5 na gagamit ng ganitong uri ng RRT ay kailangang magparehistro muna sa PhilHealth Dialysis Database at sumunod sa umiiral na mga patnubay sa pagiging miyembro. Ang mga pasyente ay dapat ding sumunod sa treatment plan, kabilang ang mga follow-up visits. Mahigpit na ipinagbabawal ang pagbebenta o pamamahagi ng mga PD solutions na ibinigay sa kanila.


Bukod dito, ang mga contracted providers o health facilities ay ipinagbabawal na maningil ng dagdag na singilin para sa mga essential health services. Gayunpaman, maaari silang maningil para sa mga serbisyo at amenities na hindi kasama sa listahan ng essential health services na saklaw ng package. Dapat nilang ipaliwanag sa mga pasyente ang anumang co-payment na sisingilin pa sa kanila.


Ang pinahusay na PD Z Benefits ay makukuha sa alinman sa 51 contracted PD providers sa buong bansa, ang listahan nito ay makikita sa www.philhealth.gov.ph. Ang mga miyembro ay maaari ring humingi ng karagdagang impormasyon at tulong sa pamamagitan ng pagtawag sa mga sumusunod na 24/7 touch points: (02) 866-225-88 o sa mga mobile numbers 0998-857-2957, 0968-865-4670, 0917-1275987 o 0917-1109812.

 
 

by Info @Brand Zone | Jan. 17, 2025




Mahal talagang magpagamot, kaya para matugunan ang gastusing medikal ng mga Pilipino ay muling itinaas ng PhilHealth ang Case Rate packages nito para sa libu-libong  sakit at surgical procedures. Pinalaki ng 50% ang benepisyo ng mga miyembro simula January 1, 2025. Matatandaang nauna nang  pinalawig ng 30% ang ACR packages  noong Pebrero ng nakaraang taon. 


Batid ng PhilHealth ang alalahanin ng bawat isa sa tuwing nagkakasakit, lalo na sa pagkukunan ng pambayad sa ospital. Bilang administrator ng National Health Insurance Program, layunin ng ahensyang lubos na maibsan ang paghihirap ng bawat Pilipino sa pagpapatupad ng mga  angkop na benepisyo na agarang  magagamit sa mga PhilHealth accredited health facilities. 


Sumatotal, papalo sa 95% na ang itinaas ng mga pakete ng PhilHealth. Napakalaking increase ito para makasabay sa inflation at madagdagan ang suportang pinansyal ng PhilHealth sa  pagpapagamot ng mga pasyente. 


Mahigit 9K na pakete ng medical at  surgical cases ang tumaas kabilang  dito ang pakete para sa Typhoid Fever ngayon ay P19,500 mula sa  dating P9,000 at Leptospirosis na  dating P11,000 ngayon ay P 21,450  na! 


Paalala lang, ang lahat ng mako confine sa mga basic o ward accommodation ng pribado at  pampublikong pagamutan ay dapat  hindi na singilin ng karagdagang  bayad pa. Ito ay kung ang pasyente ay hindi lalampas sa minimum standards ang mga serbisyong ibibigay sa kaniya. Anumang dagdag-bayad, kung meron man, ay dapat ipaliwanag mabuti sa  pasyente para hindi magkagulatan  sa bandang huli. 


Hindi tumitigil ang ahensya sa pagpapabuti ng mga benepisyo at serbisyo nito para protektahan ang lahat sa mataas na gastusing kaakibat ng pagkakasakit. Kaya huwag nang  matakot sa pagpapagamot dahil sagot kayo ng PhilHealth! END




Dinagdagan pa namin ang mga linya ng aming komunikasyon. Matatawagan din kami sa mga numerong 0998-8572957, 0968-8654670, 0917-1275987, at 09171109812. Pwede niyo na ring ma-reach ang PhilHealth mula sa website! Pindutin lang ang Click-to-Call icon na makikita kapag nag-login sa www.philhealth.gov.ph. END


PhilHealth



 
 

by Info @Brand Zone | Jan. 3, 2025





As Filipinos celebrate the holiday season, the Department of Health (DOH) recently called on people to prioritize their well-being by practicing moderation in their food intake and maintaining an active lifestyle. This is particularly important given that cardio-vascular diseases, specifically ischemic heart disease (IHD), remain the leading cause of death in the Philippines. 


To provide expanded financial coverage associated with heart disease treatment, the Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) significantly increased its benefits coverage for Ischemic Heart Disease-Acute Myocardial Infarction (IHD-AMI) or “heart attack” for all inpatient admissions effective December 21, 2024. 


PhilHealth Circular No. 2024-0032 published on the same date provides coverage for (1) Percutaneous Coronary Intervention (PCI) at P524,000 from P30,300, an increase of 1,629 percent; (2) Fibrinolysis at P133,500 from P30,290 or a 900% increase; (3) Emergency Medical Services with Coordinated Referral and Interfacility Transfer at P21,900; and (4) Cardiac Rehabilitation after PCI at P66,140.


The expanded PhilHealth benefits packages for heart attack ensure that patients receive timely medical treatment by including emergency medical transport services to a capable health facility and all the medical interventions needed to ensure survival and good patient outcomes. 


"We understand the significant financial burden that heart disease can place on families," said PhilHealth President and Chief Executive Officer Emmanuel R. Ledesma, Jr. "We have listened to the patients and their families, and with the cooperation of our partner health facilities, we have been able to determine the prevailing costs that led us to adjust and substantially increase our financial support in these life-saving treatments,” he added. 


The enhanced heart packages support a comprehensive range of services that include emergency medical services, medicines, laboratory and diagnostic tests, medical supplies, use of equipment, and pertinent administrative fees. In the case of percutaneous coronary intervention, the procedure can be availed of at any of the 70 accredited Cath Labs nationwide. 

The PhilHealth Chief reminded the members that there should be no co-payment for inpatient admissions in basic or ward accommodations in both public and private health facilities nationwide. 


“But we should not forget, heart ailments can be prevented. To support our members in their journey towards better health especially in the coming new year, we encourage everyone to avail of our primary care benefits under Konsulta,” urged Ledesma, specifying consultations with primary care physician, laboratory tests for early detection as well as medicines to support those that already have heart conditions, all for free. 


"Through the Konsulta, we can identify potential health risks early on, including family history of heart disease, allowing for timely interventions such as medication for cholesterol management and lifestyle advice, to prevent or mitigate the development of heart disease,". He asked Filipinos to register to their Konsulta provider of choice at any of the local health insurance offices nationwide or through their own account in the PhilHealth Member Portal. 


By embracing a healthy lifestyle and by utilizing the Konsulta, Filipinos can better protect themselves from heart diseases for a healthier and productive future, he added.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page