top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 14, 2021



Dumating na sa NAIA Terminal 3 nitong Lunes (Dis. 13) ng gabi ang eroplanong may dala ng 859,950 doses ng government-procured Pfizer COVID-19 vaccines.


Kasunod nito ay dumating din sa NAIA Terminal 3 nitong Lunes (Dis. 13) ng gabi ang eroplanong may dala ng 1,526,400 doses ng Janssen COVID-19 vaccines na donasyon naman ng Dutch government sa pamamagitan ng COVAX Facility.


Ang mga karagdagang vaccine supply na ito ay lumapag sa Ninoy Aquino international Airport Terminal 3, bandang alas-9:00 ng gabi.


Nasa 37 milyon indibidwal na sa bansa ang fully vaccinated kontra-COVID-19.


Samantala, ibinalita ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 Sec. Carlito Galvez, Jr. na nalagpasan na ang target ng pamahalaan na bilang ng mga COVID-19 vaccine doses na matatanggap ng bansa.


Tinatayang nasa 158 milyong doses na ng bakuna ang dumating sa bansa, habang 24 milyong doses pa ang inaasahang darating ngayong linggo.


Kumpiyansa rin ang pamahalaan na makakamit nito ang target na 54 milyong COVID-19-fully vaccinated na mga Pilipino sa pagtatapos ng taon.

 
 

ni Lolet Abania | December 12, 2021



Nagsumite na ang Pfizer noong nakaraang linggo ng aplikasyon para sa emergency use authorization (EUA) ng kanilang COVID-19 vaccine para sa mga batang edad 5 hanggang 11.


“Sa ngayon meron tayong application galing sa Pfizer for 5-11 years old. Sinubmit nila ito last week,” ani Food and Drug Administration Director General Eric Domingo sa isang radio interview ngayong Linggo.


“Ito ang ine-evaluate ngayon ng ating vaccine experts,” saad ng opisyal.


“So may possibility na baka mabigyan ng EUA before the end of the year,” sabi pa ni Domingo.


Plano ng gobyerno na palawakin ang pediatric vaccination kontra-COVID-19 sa mga batang edad 5 hanggang 11sa Enero 2022.


Sinabi naman ng FDA chief na ang Moderna ay hindi pa nakapag-apply ng kanilang EUA ng COVID-19 vaccine na magagamit para sa mga batang edad 5 hanggang 11.


"Sa ngayon wala pa tayong natatanggap na application from Moderna. Hindi pa sila nagbibigay ng clinical trial data nila on children below 12,” wika ni Domingo.


“Hanggang 12 years old pa lang ang sinubmit nila sa atin. Hindi pa natin mabibigyan ng permit ‘yan for use in children below 11 years old,” ani opisyal.


Ang Pfizer COVID-19 vaccine ay inaprubahan nang gamitin para sa edad 5 hanggang 11 sa mga bansang gaya ng US, Canada, Europe, and Australia.


“’Yun ang maganda, na nagagamit sa ibang bansa, at makakakita tayo ng real world data outside clinical trial at nakita natin ang safety at efficacy niya,” paliwanag ni Domingo.


Sa ngayon ayon kay Domingo, ang safety at monitoring data sa abroad na ipinapakita ng Pfizer COVID-19 vaccine ay wala namang serious adverse side effects sa mga nasabing kabataan.


“Maganda naman. In fact lower dose ang ginagamit sa mga bata dahil siyempre mas maliit 5-11 [years old]... Good, walang nakikita na anything unusual o signal na nakakangamba o nakakatakot. I’m quite confident na once ma-submit nila ang data, masa-satisfy ang mga experts,” sabi pa ni Domingo.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 9, 2021


Dumating na mahigit isang milyong doses ng Pfizer vaccines na binili ng Pilipinas sa Estados Unidos nitong Miyerkules nang gabi.


Nasa 1,082,250 doses ng Pfizer vaccines ang dumating sa NAIA Terminal 3 bago mag-alas-9 ng gabi.


Ang mga ito ay nakalaan para sa second phase ng national vaccination days sa Disyembre 15, 16 at 17.


Ayon kay Dr. Ma. Paz Corales, consultant ng National Task Force against COVID-19, layon ng pamahalaan na maabot na ang 7-million target na herd immunity.


Kaya sana raw ay magpabakuna na ang lahat para makaiwas sa COVID-19 at nang maging maligaya ang Pasko at bagong taon dito sa Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page