top of page
Search

ni Lolet Abania | October 10, 2021


ree

Mahigit sa 900,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility ang dumating sa bansa ngayong Linggo ng hapon.


Lumapag ang kabuuang 918,450 doses ng Pfizer vaccines sa Ninoy Aquino International Airport Terminal 3, pasado alas- 4:00 ng hapon.


Ang mga naturang bakuna kontra-COVID-19 ay sakay ng isang Emirates flight.


Noong Marso 1, nagsimula ang vaccination program ng bansa, kung saan sa ngayon nasa mahigit 20 milyong Pilipino na ang fully vaccinated kontra-COVID-19 habang nasa 26 milyong indibidwal naman ang nakatanggap ng unang dose.


Sa kasalukuyan, ang mga COVID-19 vaccine brands na naideliber na sa bansa ay Pfizer, Moderna, Johnson and Johnson, Sinovac, AstraZeneca, at Sputnik V.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 27, 2021


ree

Dumating na sa bansa ang mahigit 375,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine mula sa COVAX Facility. May kabuuang bilang na 375,570 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines ang dumating sa bansa at noong Lunes, bandang alas-9:20 nang gabi, lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang Air Hong Kong flight na may lulan ng 272,610 doses nito.


Dumating naman sa Mactan-Cebu International Airport ang 51,480 doses ng naturang bakuna kahapon, bandang alas-6:35 PM. Ngayong Martes naman dadalhin sa Davao International Airport ang 51,480 doses pa ng Pfizer vaccines.


Samantala, sa kabuuan ay umabot na sa 17,202,421 doses ng mga bakuna laban sa COVID-19 ang naiturok na simula nang mag-umpisa ang vaccination program ng pamahalaan, ayon sa Department of Health (DOH) kung saan pumalo sa 11,113,107 shots ang para sa unang dose at 6,089,314 naman ang para sa second dose.

 
 

ni Lolet Abania | July 6, 2021


ree

Napagkasunduan ng Israel at ng South Korea na magpalitan ng mga doses ng COVID-19 vaccines para sa kanilang mga mamamayan bilang proteksiyon laban sa naturang virus.


Magde-deliver ng nasa 700,000 doses ng Pfizer-BioNTech COVID-19 vaccine ang Israel sa South Korea sa huling linggo ng Hulyo, habang ibabalik naman ng South Korea sa Israel ang pareho ring bilang ng bakuna na kanila nang na-order mula sa Pfizer sa Setyembre at Oktubre.


Ang mga COVD-19 vaccines ay agad naipapamahagi ng South Korea sa kanilang mga kababayan, subalit nahihirapan silang makakuha ng sapat na doses sa tamang panahon sa gitna ng kakulangan sa global supplies nito, partikular na sa Asia.


“This is a win-win deal,” ani Israeli Prime Minister Naftali Bennett sa isang statement ngayong Martes.


“Together we will beat the pandemic,” saad pa ni Bennett.


Matapos ang agarang pagbabakuna kontra-COVID-19, nakapag-administer na ang Israel ng dalawang shots ng vaccine sa tinatayang 55 percent ng kanilang populasyon at nakitaan agad ng pagbaba ng kaso ng sakit.


Ayon kay Korea Disease Control and Prevention Agency (KDCA) Director Jeong Eun-kyeong, dahil sa kanilang naging deal, pinayagan ang South Korea na i-accelerate ang kanilang programa sa pagbabakuna, kabilang na ang pagbibigay ng vaccine sa mga empleyado sa ilang sektor na may maraming bilang ng nakakasalamuhang tao.


Sinabi ni Jeong, ang mga local authorities ang nagdedesisyon kung sino ang makakakuha ng vaccines subalit aniya, posible ring mabigyan agad ang mga street cleaners, delivery workers at retail employees.


Sa pahayag ng South Korean authorities noong nakaraang linggo, umaasa silang makakamit ang herd immunity ng mas maaga kumpara sa una nilang target na Nobyembre kung saan mababakunahan ang tinatayang 70 percent ng kanilang populasyon kahit na unang dose pa lamang ng Pfizer ng mRNA ang naibigay sa kanilang mamamayan.


Sinabi pa ni Jeong, sakaling ang kanilang pagbabakuna ay matapos batay sa plano at makakuha pa ang South Korea ng mga surplus doses ng COVID-19 sa huling buwan ng taon habang naibalik na rin ang napagkasunduang doses sa Israel, makapagbibigay din ang kanilang bansa ng mga naipong bakuna kontra-COVID sa ibang bansa.


Bagamat ang South Korea ay walang humpay na nakikipaglaban sa kaunting outbreak lamang, ipinagpaliban pa rin ng mga opisyal ang pagluluwag ng social distancing rules.


Samantala, naireport ng KDCA na nasa 746 ang bilang ng COVID-19 cases ngayong linggo na umabot na sa kabuuang bilang na 161,541, kabilang ang 2,032 nasawi.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page