top of page
Search

ni Lolet Abania | October 8, 2021


ree

Naghain na ng kanyang certificate of candidacy (COC) ang aktor na si Robin Padilla para tumakbo sa pagka-senador sa 2022 national elections ngayong Biyernes.


Si Padilla ay nasa ilalim ng PDP-Laban na partido ni Pangulong Rodrigo Duterte.


Kilalang supporter ni Pangulong Duterte si Padilla, kung saan nabigyan ang aktor ng executive clemency noong 2016.


Noong 1994 na-convict si Padilla dahil sa kasong illegal possession of firearms at nasentensiyahan ng 17 hanggang 21 taong pagkabilanggo noong 1996.


Matapos na makulong ng dalawang taon, napagkalooban si Padilla ng pardoned ni dating Pangulo Fidel Ramos at nagbalik sa show business.

 
 

ni Lolet Abania | October 5, 2021


ree

Sumali na rin ang aktor na si Robin Padilla, ang long-time supporter ni Pangulong Rodrigo Duterte, sa PDP-Laban faction na pinamumunuan ni Department of Energy (DOE) Secretary Alfonso Cusi, para tumakbong senador sa 2022 elections.


Makikita sa mga larawan na inilabas ng ruling party ngayong Martes, sina Robin at kapatid na si Rommel habang may caption na “taking [their] oaths as members of PDP-Laban.” Si Cusi ang siyang nag-present ng oath-taking ng magkapatid na Padilla.


Sa isang statement matapos ang oath taking, sinabi ni PDP-Laban secretary general Melvin Matibag na si Robin Padilla ay tatakbong senador habang ang kanyang kapatid na si Rommel ay tatakbo namang kongresista sa 1st District ng Nueva Ecija.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 3, 2021


ree

Pinatalsik ng Partido Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP-Laban) faction sa pangunguna ni Energy Sec. Alfonso Cusi si Senator Manny Pacquiao matapos nitong mag-file ng COC sa pagkapangulo sa ilalim ng Probinsiya Muna Development Initiative (Probinsiya Muna Development Initiative).


Oktubre 1 nang naghain ng kanyang certificate of candidacy (COC) si Pacquiao para sa kanyang pagktakbo bilang presidente sa 2022 elections, pero sa ilalim ng PROMDI at hindi sa PDP-Laban.


Hanggang sa ngayon ay nagpapatuloy ang banggaan nina Pacquiao sa paksyon ni Cusi.


Ayon kay PDP-Laban Secretary General Melvin Matibag ng Cusi-wing, ang pagtakbo ni Pacquiao sa ilalim ng PROMDI ay paglabag sa Section 6, Article III ng Constitution ng kanilang partido.


Nakasaad daw dito na basehan para sa expulsion sa kanilang partido ang paghahain ng COC ng sinuman sa kanilang mga miyembro sa ilalim ng ibang political party.


Para kay Matibag, ang presidential bid ni Pacquiao sa ilalim ng ibang partido ay nagpapatunay lamang nang illegitimacy ng paksyon nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page