top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | October 19, 2021


ree

Tiklo ang mag-ina sa Camarin, Caloocan matapos arestuhin sa buy-bust operation ng Philippine Drug Enforcement Agency NCR Lunes ng umaga.


Ayon sa ahensiya, sila ang nasa likod ng talamak na bentahan ng ilegal na droga sa lugar.


Nahuli ang 39-anyos na ginang at 18-anyos na anak nito matapos magbenta sa poseur buyer ng hinihinalang shabu na abot sa 50 gramo at nagkakahalaga ng P340,000.


Nangyari ang transaksiyon sa kanilang tahanan mismo.


Nakatakda nang sampahan ng kaso ang mag-ina.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | October 14, 2021


ree

Arestado ang isang Nigerian citizen sa ikinasang entrapment operation ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at pulisya sa Bacoor, Cavite Martes ng gabi.


Sangkot umano sa pagbebenta ng ilegal na droga ang 30-anyos na suspek.


Ayon sa PDEA, nakipagkita ang mga operatiba sa suspek sa Cerritos Heights Road, Barangay Molino IV pasado alas-9 ng gabi.


Natunton umano ito dahil sa pasahan ng impormasyon ng Bureau of Customs sa Port of Clark, PDEA Central Luzon at PDEA.


Nakuha sa banyaga ang 2 paper bag na may 4 na tig-isang kilong balot ng shabu na tinatayang may halagang P27.2 milyon.

Nahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Dangerous Drugs Act at kasalukuyan pang inaalam ang pinagmulan ng nasabat na shabu.

 
 

ni Lolet Abania | October 1, 2021


ree

Nakakumpiska ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng 149 kilo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P1.28 bilyon mula sa tatlong naarestong indibidwal sa isang buy-bust operation sa Bacoor City, Cavite, ngayong Biyernes.


Batay sa initial report, kinilala ng PDEA ang mga suspek na sina Jorlan San Jose, 26; Joseph Maurin, 38; at Joan Lumanog, 27. Alas-6:40 ng umaga, ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng PDEA at ng Philippine National Police (PNP) ang operasyon sa Barangay Molino 3, Bacoor City, Cavite.


Maliban sa shabu, nasamsam din ng mga awtoridad sa mga suspek ang P1,000 buy-bust money, isang bundle ng boodle money, at isang cell phone sa naturang operasyon.


Nakadetine na ang mga suspek habang sasampahan ang mga ito ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page