- BULGAR
- Mar 29, 2021
ni Mary Gutierrez Almirañez | March 29, 2021

Pumanaw na ang 53-anyos na alkalde ng Famy, Laguna na si Edwin Pangilinan dahil sa COVID-19, batay sa kumpirmasyon ng kanyang kampo kagabi, Marso 28.
Ayon sa Public Affairs Office ng Laguna, noong ika-15 ng Marso ay nahirapan nang huminga ang alkalde kaya dinala na ito sa ospital at doon nakumpirmang positibo sa virus.
Kasabay din niyang pumanaw ang 76-anyos na inang si Lucena dahil sa respiratory illness.
