ni Chit Luna @News | Apr. 23, 2025
Sa gitna ng papalapit na halalan, isinusulong ni mayoral candidate Ate Sarah Discaya ang isang malawakang kampanyang pangkalikasan na may layuning gawing mas ligtas at malinis ang buong lungsod ng Pasig—isang konkretong hakbang upang mapabuti ang kalikasan at kalusugan ng komunidad.
Isa sa mga pangunahing proyekto ni Ate Sarah ay ang pagtatayo ng isang makabago at environment-friendly na pasilidad para sa pamamahala ng basura.
Ayon kay Ate Sarah, malaking tulong ito upang maiwasan ang pagbaha sa lungsod, lalo na tuwing tag-ulan.
"Ang ganitong uri ng imprastruktura ay bahagi ng mas malawak naming plano para sa mas ligtas at organisadong pamayanan," ani Discaya.
Hindi lamang proper waste disposal ang tinututukan ng kampanya—kasama rin ang regular na pagsasagawa ng mga misting at fogging sa mga barangay.
Katuwang si Ate Sarah sa pagsisikap na ito upang mapuksa ang mga pinamumugaran ng mga lamok at maiwasan ang pagkalat ng mga sakit gaya ng dengue.
"Kalinisan ay kaligtasan," ang paulit-ulit na paalala niya sa kanyang mga barangay visit.
Bilang dagdag-suporta sa waste management program at bahagi ng kanilang community service at sa tulong ng St. Gerrard Charity Foundation at ni Kuya Curlee, dalawang garbage haulers sa Brgy. Dela Paz ang kanilang ipinagkaloob na patuloy na pinakikinabangan ng barangay.
Ayon sa kanila, ito ay bahagi ng kanilang mas malawak na community service.
“Ang malinis na kapaligiran ay mabuti sa kalusugan, kaya ito ang aming misyon,” wika ni
Kuya Curlee.
Kasama rin sa adbokasiya ni Ate Sarah ang rehabilitasyon ng flood control systems, partikular ang mga pumping stations na hindi na gumagana nang 100%.
Layunin niyang ibalik ang full capacity ng mga ito upang maprotektahan ang mga residente sa panahon ng malalakas na pag-ulan.
Nangako rin si Ate Sarah na paiigtingin ang pagpapagawa at pagkukumpuni ng mga drainage systems sa lahat ng barangay.
Aniya, ang pag-aayos ng daluyan ng tubig ay hindi lamang magdudulot ng ginhawa kundi magsisilbing proteksyon sa mga pamilyang Pasigueño laban sa peligro ng pagbaha at waterborne diseases.
Umaasa si Ate Sarah na hindi lamang ang kalikasan ang mapapangalagaan, kundi pati na rin ang kalusugan, kaligtasan, at kalidad ng pamumuhay ng bawat taga-Pasig.
Sa kanyang panawagan: "Kay Kuya Curlee at Ate Sarah, Alaga Ka!" – ipinapakita nila na ang paglilingkod ay may puso, direksyon, at tunay na malasakit.