top of page
Search

ni Zel Fernandez | April 25, 2022


ree

Pasok sa Batch 2 ng Special Program of the Employment of Students (SPES) ang mahigit 300 out of school youth na magsisimula na sa kanilang trabaho sa Pasig City Hall.


Isang orientation na ginanap kaninang umaga, sa pangunguna ng Pasig Employment Service Office (PESO), ang inihanda bilang pagsalubong para sa may 320 kabataan na benepisyaryo ng SPES program sa lungsod.


Kaugnay nito, sa ilalim ng naturang programa ay mabibigyan ng pagkakataon ang mga out of school youth na makapagtrabaho sa City Hall nang isang buwan na magtatagal hanggang Mayo 23, 2022.


Samantala, nitong nakaraang Marso ay nauna na ring i-deploy ang Batch 1 ng SPES na binubuo naman ng aabot sa 500 kabataan.


Pagtitiyak ng lokal na pamahalaan, patuloy nitong gagamitin ang mga natitirang SPES applications kapag nagkaroon muli ng panibagong batch ngayong taon.



 
 

ni Fely Ng - @Bulgarific | March 10, 2022



ree

Hello, Bulgarians! Nakipagtulungan ang Manila Electric Company (Meralco) sa lokal na pamahalaan ng Pasig at sa Ateneo School of Medicine and Public Health (ASMPH) para sa isang programang naglalayong magbigay ng suportang pinansyal sa mga mag-aaral na naghahangad maging doktor.


Sa ilalim ng pinirmahang memorandum of agreement (MOA) kamakailan, limang residente ng Pasig na na nagnanais magkaroon ng titulong Doctor of Medicine at Master of Business Administration sa ASMPH ang makatatanggap ng scholarship mula sa One Meralco Foundation (OMF) at sa Pasig local government unit (LGU).


Ang OMF, ang sangay ng Meralco na nangangasiwa sa mga programa nitong pagtulong sa mga komunidad, ang sasagot sa mga pangunahing gastos ng iskolar gaya ng bayad sa matrikula at mga miscellaneous fee, habang ang lokal na pamahalaan ng Pasig naman ang magbibigay ng allowance para sa uniporme, pagkain, at subsidiya sa transportasyon.


“After successfully completing the course, they will return to Pasig City to serve in our public hospitals including the Pasig City General Hospital and the Pasig City Children’s Hospital or even in the Pasig City Health Department,” pahayag ni OMF President Jeffrey O. Tarayao.


Ayon pa kay Tarayao, ang Meralco-Pasig Scholarship Grant ay isang paraan upang bigyang pagkilala ang hindi matatawarang sakripisyong ipinamalas ng mga healthcare worker ngayong panahon ng pandemya. Nilalayon din ng programa na hikayatin ang mga mag-aaral na maging doktor at magsilbi sa ating bansa.


“We think that we can best begin this right in the very city where Meralco and the Ateneo School of Medicine are proud citizens, our very own Pasig City,” dagdag ni Tarayao.


Umaasa naman ang Pasig LGU na ang programang ito ay makatutulong sa pagpapalakas at pagpapatibay ng sistemang pangkalusugan ng bansa.


“Infrastructure is important. Medicine is important. The supplies and equipment, they are all important. But at the end of the day, it’s about the people. If we have good people in government, in our public healthcare sector, working for our public healthcare system, then you know that our people will be in good hands,” pahayag ni Pasig City Mayor Vico N. Sotto.


Batid naman ni Ateneo Professional Schools Vice President Dr. John Paul Vergara ang kahalagahan ng nasabing programa at ng suporta para sa mga tatanghaling iskolar ng OMF at Pasig LGU. Aniya: “We are of course excited to work with the Pasig government and to bring more Pasigueños into our medical school and forge a meaningful and lasting partnership.”


Sa kanyang pahayag ay sinabi naman ni Meralco President at Chief Executive Officer Atty. Ray C. Espinosa: “Throughout the pandemic, we have witnessed the heroism of our healthcare workers and front-liners who have inspired many young Filipinos to pursue medical professions. Through this medical scholarship program, we hope to help deserving young Pasigueños achieve their ambitions while producing more doctors for our country’s needs.”


“We in Meralco are deeply honored to invest in our young people and to contribute to the improvement of public health in Pasig for many years to come,” dagdag pa niya.


Ang mga mag-aaral na nagnanais maging bahagi ng programa ay maaaring magpasa ng kanilang aplikasyon hanggang sa ika-15 ng Marso 2022, habang ang mga requirement naman ay kinakailangang ma-kumpleto hanggang sa ika-16 ng Mayo 2022. Para sa kumpletong detalye at patnubay sa aplikasyon ukol sa Meralco-Pasig Scholarship Grant, bisitahin ang https://www.facebook.com/100066291500027/posts/290923109794070/



Para sa anumang impormasyon, opinyon, isyu o maging imbitasyon, mag-e-mail sa bulgarific@gmail.com o sumulat kay Ms. Bulgarific at ipadala sa Bulgar Bldg., 538 Quezon Avenue, Quezon City.

 
 

ni Thea Janica Teh | January 11, 2021



ree


Nakipagkasundo na ang pamahalaang lokal ng Pasig City sa AstraZeneca COVID-19 vaccine para sa 400,000 doses na nagkakahalaga ng P100 milyon.


Sa tweet ni Pasig City Mayor Vico Sotto ngayong Lunes, sinabi na "Many of us LGUs signed a tripartite agreement with AstraZeneca and the national gov’t yesterday. Pasig ordered 400K doses (*100M pesos).


Actual quantity & date of delivery will depend on several factors." Sinabi rin ni Sotto na bibili pa ito ng vaccine mula sa iba pang vaccine maker kapag ito ay naging available na at napatunayang epektibo.


Bukod pa rito, ibinahagi rin ni Sotto ang ilan sa mga advantage ng AstraZeneca vaccine tulad ng ito ay mas mura, mas madaling ibiyahe at iimbak, epektibo at maraming bansa na ang nag-apruba dito.


Nitong nakaraang Linggo, sunud-sunod na rin ang anunsiyo ng iba pang LGUs na nakipagkasundo na rin sa AstraZeneca COVID-19 vaccine tulad ng Iloilo City (600,000 doses); Caloocan City (600,000 doses); Vigan City (100,000 doses) at Valenzuela (640,000 doses).


 
 
RECOMMENDED
bottom of page