top of page
Search

ni Lolet Abania | June 25, 2022



Patay ang isang police officer at isang hinihinalang rebeldeng komunista matapos ang kanilang engkwentro sa Pasay City nitong Biyernes.


Ayon sa pulisya, bandang alas-4:00 ng madaling-araw, sinubukan nilang isilbi ang isang warrant of arrest laban sa isa umanong communist rebel sa Barangay 172 sa Malibay.


Sa halip na sumurender sa mga arresting officers, nai-report na pumalag ang suspek na nagresulta sa barilan ng magkabilang panig.


Nagtamo sina Police Lt. Rogelio Walay at Police SSgt. Nikki Codera ng mga tama ng bala ng baril at agad na isinugod sa pinakamalapit na ospital.


Idineklarang dead-on-arrival si Codera ng mga doktor habang si Walay ay nagpapagaling na sa ospital. Dead-on-the-spot naman ang suspek, na hindi binanggit ng mga awtoridad ang pangalan, dahil sa tinamong mga gunshot wound mula sa engkuwentro.


 
 

ni Mary Gutierrez Almirañez | April 12, 2021




Tatlong drug pusher ang patay sa magkasunod na buy-bust operation na isinagawa sa Pasay at Parañaque nitong weekend, kung saan mahigit P81.6 milyong halaga ng shabu na nakalagay sa Chinese tea bag ang nakumpiska ng mga awtoridad.


Ayon kay Metro Manila Police Chief Vicente Danao, nakipagtransaksiyon sila kay alyas Richard sa West Service Road, Barangay Sun Valley sa Parañaque nitong Sabado nang gabi, subalit nang makakutob na pulis ang katransaksiyon ay nagsimula na itong magpaputok ng baril.


Tinatayang 5 kilo ng shabu na nagkakahalagang P43 milyon ang nakumpiska rito.


Nagpatuloy pa ang operasyon ng mga awtoridad hanggang Linggo nang madaling-araw, kung saan 2 tulak ang kasunod na namatay sa C5 Extension, Pasay Road.


Nakuha sa kanila ang 7 kilo ng shabu na may halagang P47.6 milyon. Kinilala rin sila bilang sina alyas Domeng at alyas Rey na nanlaban din umano kaya nauwi sa madugong transaksiyon ang naganap na buy-bust operation.


Paliwanag naman ni Chief Danao, hindi parte ng plano ang pagpatay sa 3 drug suspek ngunit kailangan umanong gawin upang protektahan ang buhay ng mga pulis at mga sibilyan.


Dagdag pa niya, kilalang drug pusher sa kanilang lugar ang mga suspek. Nanggagaling pa umano ang mga droga mula sa Chinese supplier at mayroon ding Pinoy contact na involved sa distribusyon.




 
 
RECOMMENDED
bottom of page