top of page
Search

ni Lolet Abania | September 8, 2021



Ipinahayag ni Pasay City Representative Antonino Calixto ngayong Miyerkules na nagpositibo siya sa test sa COVID-19.


Kasalukuyang nasa isolation si Calixto na nakararanas ng mild symptoms ng COVID-19. Agad siyang nagpakonsulta sa doktor matapos na makaramdam ng mild cough noong Lunes.


Ayon sa mambabatas ang kanyang mga naging close contacts, kabilang na ang mga miyembro ng kanyang pamilya ay sumailalim na sa swab tests at negatibo silang lahat sa COVID-19.


Gayunman, sinabi ni Calixto na mananatili ang mga ito sa loob ng kanilang bahay ng 14-araw, kung saan ipinayo ito ng mga doktor. Ang mga staff naman ni Calixto na pumapasok sa kanyang opisina at mga nakausap niya nang personal ay sumailalim na rin sa COVID-19 tests, habang pinayuhan din ang mga ito na manatili na lamang sa kanilang bahay.


Samantala, ang kanyang kapatid na si Pasay City Mayor Emi Calixto-Rubiano ay wala sa ginanap na pulong kamakailan. Panawagan naman ni Calixto sa kanyang mga kababayan na magpabakuna na kontra-COVID-19.

 
 

ni Lolet Abania | June 7, 2021



Tinatayang 15 hanggang 20 pamilya ang nawalan ng bahay matapos ang sunog sa isang residential area na malapit sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 sa Pasay City ngayong Lunes.


Sumiklab ang apoy bandang ala-una ng madaling-araw nitong Lunes, kung saan nasa 5 hanggang 7 kabahayan sa Barangay 194, Pasay City ang natupok.


Ayon kay Kagawad Ricardo Kano Perez, inaalam pa nila ang sanhi at pinagmulan ng sunog subalit may hinala silang ito ay dahil sa away-pamilya sa isang tirahan.


Patuloy na iniimbestigahan ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na umabot sa ikalawang alarma.


Nasa P300,000 ang halaga ng natupok na ari-arian, habang wala namang nasaktan sa nasabing sunog.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 7, 2021



Sinimulan na ngayong Lunes ang COVID-19 vaccination sa mga economic frontliners o A4 priority group.


Nagsagawa ang pamahalaan ng symbolic vaccination sa 50 katao mula sa tourism, transportation, mass media, food service, business process outsourcing (BPO) industry, atbp. sa Pasay City.


Kabilang ang TV hosts na sina Iya Villania at Drew Arellano sa mga nakatanggap ng first dose ng bakuna kontra COVID-19 na itinurok ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III.


Samantala, uunahin ang pagbabakuna sa mga A4 group na nasa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Rizal, Laguna, Pampanga, Batangas, Cebu, at Davao.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page