top of page
Search

ni Lolet Abania | March 8, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar bilang acting presidential spokesperson, kapalit ni Karlo Nograles.


Ang appointment ni Andanar ay inilabas mula sa isang advisory ng Malacañang ngayong Martes ng umaga.


Gayundin, ang anunsiyo para sa appointment ni Andanar bilang acting presidential spokesperson ay iniulat isang araw matapos na si Nograles ay italaga naman at nanumpa bilang chairperson ng Civil Service Commission (CSC) kay Pangulong Duterte.


Isasagawa ni Andarar ang kanyang unang Palace briefing bilang interim spokesperson ngayong Martes kasama si National Economic and Development Authority (NEDA) Undersecretary Rosemarie Edillon.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | March 8, 2022



Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si National Commission on Muslim Filipinos (NCMF) Secretary Saidamen Pangarungan bilang bagong pinuno ng Commission on Elections.


Kinumpirma ni Palace Communications Secretary Martin Andanar sa isang press briefing ang appointment ni Pangarungan bilang ad interim Comelec chairman nitong Martes.


Itinalaga rin ng pangulo sina Aimee Neri at George Garcia bilang bagong Comelec commissioners.


Si Neri ay undersecretary ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).


Si Garcia ay beteranong election lawyer.

Kabilang sa kanyang kasong hinwakan ay ang poll protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo noong 2016 national elections.


Si Garcia ay parte rin ng campaign team ni presidential candidate, Manila Mayor Isko Moreno Domagoso. Nag-resign na umano ito noong Lunes.


Samantala, si Pangarungan ay abogado at dating gobernador ng Lanao del Sur province mula 1988 hanggang 1992, ayon sa NCMF website.


Bago pa man ang naganap na appointments, nag-o-operate ang Comelec na mayroon lamang 4 commisioners simula noong nakaraang buwan, matapos ang pagreretiro nina Antonio Kho, Rowena Guanzon, at Sheriff Abas.

 
 

ni Lolet Abania | March 7, 2022



Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang batas ang isang panukala hinggil sa krimen ng statutory rape at itinaas ang edad ng tinatawag na sexual consent mula sa 12-taong-gulang ay naging 16-anyos.


Matatandaang pinagtibay ng Senado at ng House of Representatives noong Disyembre, ang bicameral conference committee report tungkol sa panukalang, “Act Increasing the Age for Determining Statutory Rape and other Acts of Sexual Abuse and Exploitation to Protect Children.”


Ang bagong nilagdaang Republic Act 11648 ay naglalayong amyendahan ang RA 3815 o ang Revised Penal Code, RA 8353 o ang Anti-Rape Law of 1997, at RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation, and Discrimination Act.


Sa nakasaad sa ilalim ng RA 11648, “there will be no criminal liability on the part of a person having carnal knowledge of another person under 16 when the age difference between the parties is not more than three years and the sexual act in question is proven to be ‘consensual, non-abusive, and non-exploitative’.”


Nakapaloob din na ang mga bata, maging lalaki o babae ay itinuturing na ini-exploit sa prostitusyon at iba pang sexual abuse kung patuloy ang isinasagawang sexual intercourse o lascivious na may kaakibat na pera, profit, o anumang pagsasaalang-alang o dahil sa coercion o impluwensiya ng sinumang adult o matanda, sindikato, o grupo.


Naipasok din dito ng Congress ang isang paragraph o talata, kung saan magmamandato sa Department of Education (DepEd) para isama sa basic education curriculum appropriate subjects, ang tungkol sa mga karapatan at proteksyon ng mga bata na may kaugnayan sa naturang Act.


Una nang sinabi ni Senate blue ribbon committee chairman Senator Richard Gordon, na siyang nag-sponsored ng Senate Bill 2332, na ang Kngreso sa pamamagitan ng nasabing measure, ay may tungkulin na dapat gawin para sa mapigilan at matugunan ang nangyayaring child sexual abuse sa bansa.


Ayon pa kay Gordon, “the right of the child to freedom from sexual abuse must be upheld.”

 
 
RECOMMENDED
bottom of page