top of page
Search

ni Mary Gutierrez Almirañez | March 28, 2021




Binati ni Bise-Presidente Leni Robredo si Pangulong Rodrigo Duterte sa ika-76 na kaarawan nito sa kanyang programa sa radyo ngayong araw, Marso 28.


Ayon kay VP Leni, “Baka makalimutan natin, birthday ni Pangulo ngayon. So, happy birthday po." Hiniling din niya ang malusog na pangangatawan para sa Pangulo sa kabila ng ilang beses na pambabara at panonopla sa kanya nito.


“Parati ko namang sinasabi na lagi siyang damay sa dasal natin. Guidance at wisdom. Kasi ‘yung pagdedesisyon para sa bansa ay hindi basta-basta. At sa panahon ngayon, siguro, good health,” dagdag ni VP Leni.


Kabilang din sa mga bumati sa Pangulo ay si Presidential Spokesperson Harry Roque, “Pagpalain kayo ng Dakilang Lumikha. Maligayang kaarawan, mahal na Pangulo!" Pangalawang taon nang nagdiriwang ng kaarawan si Pangulong Duterte habang naka-quarantine ang bansa dahil sa COVID-19. Ang tanging hiling lamang niya aniya ay matapos na ang pandemya upang makabalik na sa normal ang mga Pilipino.


Sabi pa ni Roque, “I’m sure the President wishes an end to this pandemic at nais po niya, lahat tayo, makabalik po sa buhay natin na normal… Ibig sabihin, babalik tayo roon sa napakataas na ating growth rate taun-taon, because ang kanyang pangako ay mas komportableng buhay para sa lahat.”


Sa ngayon ay nasa Davao ang Pangulo at bukas ay inaasahang babalik siya sa Maynila upang salubungin ang pagdating ng 1 million doses ng Sinovac COVID-19 vaccines galing China.


 
 

ni Lolet Abania | March 23, 2021




Muling binomba ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kritiko patungkol sa COVID-19 response ng gobyerno habang patuloy ang pagtala ng pinakamataas na kaso ng coronavirus sa bansa.


“It's a classic case of you want to appear white, you paint the other guy black para ang labas mo puting-puti ka. Si Mr. Clean, parang ganoon.


Style bulok,” ani Pangulong Duterte sa kanyang weekly televised briefing ngayong Lunes.


Sinagot ni P-Duterte ang tanong na ibinabato nina Senators Panfilo Lacson at Risa Hontiveros kung bakit mabagal ang supply ng vaccine samantalang billion loans ang pinayagang makuha ng Pilipinas.


Ipinaliwanag ng Punong Ehekutibo na ang perang inuutang ng bansa para sa vaccine procurement ay nananatili pa rin sa mga lending banks. “Ang buong akala kasi nila ‘yung pera na bilyon na bilyon na ibinigay nila sa Kongreso, nandiyan na sa kamay natin, that it’s cold cash, nasa’n na raw ‘yung pera?” ani P-Duterte.


“If you are afraid of corruption, let your mind go easy because these things are not susceptible to anything. The money is in the hands of the banks and they collect -- ’yung nagpabili sa atin ng bakuna -- from the bank, hindi sa atin,” dagdag pa ng Pangulo.


Matatandaang nakapag-secure ang bansa ng $900 million loans (tinatayang P43.65 billion), kung saan $400 million mula sa Asian Development Bank habang $500 million mula sa World Bank upang mapondohan ang pagbili ng COVID-19 vaccines ng bansa.


 
 

ni Lolet Abania | March 7, 2021





Dumating na sa bansa ang 38,400 doses ng COVID-19 vaccines na gawa ng British-Swedish company na AstraZeneca ngayong Linggo nang gabi.


Sina Vaccine Czar Carlito Galvez, Jr. at National Task Force against COVID-19 Deputy Chief Implementer and Testing Czar Secretary Vince Dizon ang sumalubong sa AstraZeneca vaccines, habang hindi nakasama si Pangulong Rodrigo Duterte.


Bandang alas-6:44 ng gabi nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 ang KLM commercial flight na siyang may dala sa ikalawang batch ng vaccines.


Bahagi ng 525,600 doses na donasyon ng COVAX Facility ng World Health Organization (WHO) ang dumating na 38,400 doses ng AstraZeneca vaccines sa bansa. Matatandaang dumating nitong Huwebes, Marso 4 ang 487,200 doses ng AstraZeneca.


Inabot ng mahigit dalawang oras bago sinalubong ni Pangulong Duterte ang donasyong bakuna, matapos na dumalo ito sa isang pulong sa Malacañang.


“Itong ipinangako sa ating first tranche na 525,600, itong (38,400) ‘yung naiwan kasi commercial flight ito. ‘Yun lang ang magkakasya sa cargo bay (487,200),” ani Galvez.


“Ito 'yung kakulangan (38,400),” dagdag pa ng opisyal.


Nabanggit din ni Galvez na hindi na sasalubungin ni Pangulong Duterte ang darating na ikalawang batch ng mga bakuna ng AstraZeneca.


Una nang sinabi ng WHO na 4.5-milyon doses ng British-Swedish vaccine ang inaasahang ibibigay sa bansa hanggang Mayo.


Kahapon, sinimulan ng gobyerno ang pagtuturok ng AstraZeneca vaccines sa mga ospital sa Metro Manila habang mag-iisang linggo naman mula nang unang magbakuna ang bansa gamit ang Sinovac vaccine na donasyon ng China.

Sa ibinigay na rekomendasyon ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG), dapat iturok ang dalawang doses ng AstraZeneca vaccines sa pagitan ng 8 linggo.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page