top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021



Nagbabala si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga biyahero na nagpapakita ng pekeng negative COVID-19 test result lalo na sa mga tourist spots sa bansa.


Sa public address ni P-Duterte, inatasan niya ang Philippine National Police (PNP), Department of Tourism at mga local government units (LGUs) na arestuhin ang sinumang mamemeke ng COVID test result.


Saad ni P-Duterte, "'Wag ho ninyong gawin 'yan at makokompromiso kayo. Pati 'yung gastos ninyo. Kindly check twice over where you have genuine certificate.


"Arrest those presenting fake tests and enforce strict compliance of protocols of local tourist.”


Samantala, una nang sinabi ng PNP na ang sinumang mahuhuling namemeke ng COVID-19 test result ay pagmumultahin ng aabot sa P50,000 at pagkakakulong ng isa hanggang anim na buwan.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 15, 2021



Mananatili sa ilalim ng general community quarantine (GCQ) na may restriksiyon ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang sa katapusan ng Hunyo, ayon kay Pangulong Rodrigo Duterte noong Lunes.


Saad ng pangulo, ang Metro Manila at Bulacan ay isasailalim sa GCQ "with some restrictions" habang ang Rizal, Laguna at Cavite naman ay GCQ "with heightened restrictions."


Isasailalim naman sa modified enhanced community quarantine (MECQ) ang ilang lugar sa bansa mula sa June 16 hanggang 30.


Ang mga sumusunod na lugar ay isasailalim sa MECQ mula sa June 16 hanggang 30, ayon kay P-Duterte: Santiago City at Cagayan sa Region 2; Apayao at Ifugao sa Cordillera Administrative Region; Bataan sa Region 3; Lucena City sa Region 4-A; Puerto Princesa City sa Region 4-B; Naga City sa Region 5; Iloilo City at Iloilo sa Region 6; Negros Oriental sa Region 7; Zamboanga City, Zamboanga Sibugay, Zamboanga Del Sur, at Zamboanga Del Norte sa Region 9; Cagayan De oro City sa Region 10; Davao City sa Region 11; at Butuan City, Agusan Del Sur, Dinagat Islands, at Surigao del Sur sa CARAGA.


Ang mga sumusunod na lugar naman ay isasailalim sa GCQ: Baguio City, Kalinga, Mountain Province, Abra, at Benguet sa Cordillera Administrative Region; Isabela, Nueva Vizcaya, at Quirino sa Region 2; Batangas at Quezon sa Region 4-A; Iligan City sa Region 10; Davao Del Norte sa Region 11; General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, at South Cotabato sa Region 12; at Lanao Del Sur, at Cotabato City sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).


Ang iba pang lugar sa bansa ay isasailalim naman sa modified GCQ, ayon kay P-Duterte.


Samantala, pinalawig din ang travel restrictions na ipinapatupad sa mga pasahero na manggagaling sa India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang sa katapusan ng Hunyo.


 
 

ni Lolet Abania | June 13, 2021




Inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang tumakbo ang “Wowowin” host na si Willie Revillame bilang senador sa 2022 elections.


“Willie, si Mayor ‘to. Kumusta ka? Matagal na tayong ‘di nagkita pero palagi kitang naaalala dahil gusto ko sanang maging senador ka,” ani Pangulong Duterte sa isang video message.


Ayon kay P-Duterte, nagdadalawang-isip si Revillame na tumakbo bilang senatorial candidate sa susunod na halalan.


Gayunman, sinabi ng Pangulo na ang slot na nakalaan para kay Revillame ay “bukas hanggang sa huling minuto.”


“Kung ayaw mo na talaga eh, ‘di puwede na tayong mag-usap ulit,” ayon sa Punong Ehekutibo.


Sinabi pa ng Pangulo na hanga siya sa abilidad at husay ni Revillame dahil madali itong kumonekta sa publiko. “Bilib ako sa appeal mo sa masa,” ani P-Duterte.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page