top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 5, 2021



Inakusahan ni dating Senador Antonio Trillanes IV sina Pangulong Rodrigo Duterte at Senator Bong Go ng plunder kaugnay ng P6.6 billion government contracts na ipinagkaloob sa construction firm na pagmamay-ari ng ama ng close ally ng pangulo.


Ayon kay Trillanes, may nakalap siyang mga dokumento mula sa Department of Trade and Industry (DTI) at Commission on Audit (COA) na nagsasaad na ibinigay ng pamahalaan sa CLTG Builders na pagmamay-ari ng ama ni Go na si Desiderio Lim ang 125 proyekto ng gobyerno sa Davao City at Davao Region na nagkakahalaga ng P4.89 bilyon mula Marso 25 hanggang Mayo 2018.


Ayon din kay Trillanes, binigyan din umano ng 27 government infrastructure projects ang CLTG builders noong 2017 na nagkakahalagang P3.2 billion kabilang na ang mga road widening projects na umaabot sa halagang P177 million hanggang P251 million sa Davao City.


Saad pa ni Trillanes, "Ito ay maliwanag na patung-patong na kaso ng plunder na umaabot sa P6.6 billion.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force on emerging infectious diseases (IATF-EID) na quarantine classifications sa iba’t ibang bahagi ng bansa ngayong darating na buwan ng Hulyo.


Inirekomenda ng IATF na isailalim ang NCR Plus na binubuo ng Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal sa general community quarantine (GCQ) “with restrictions” hanggang sa July 15.


Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, inaprubahan na ni P-Duterte na ipatupad ang GCQ “with some restrictions” sa Metro Manila, Rizal, at Bulacan habang GCQ “with heightened restrictions” naman sa Laguna at Cavite.


Papairalin naman ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Cagayan, Apayao, Bataan, Lucena City, Puerto Princesa, Naga City, Iloilo City, Iloilo, Negros Oriental, Zamboanga Del Sur, Zamboanga Del Norte, Cagayan De Oro City, Davao City, Davao Oriental, Davao Occidental, Davao De Oro, Davao Del Sur, Davao Del Norte, Butuan City, Dinagat Islands, at Surigao Del Sur.


Isasailalim din sa GCQ ang Baguio City, Ifugao, City of Santiago, Isabela, Nueva Vizcaya, Quirino, Batangas, Quezon, Guimaras, Aklan, Bacolod City, Negros Occidental, Antique, Capiz, Zamboanga Sibugay, City of Zamboanga, Iligan City, General Santos City, Sultan Kudarat, Sarangani, Cotabato, South Cotabato, Agusan del Norte, Surigao del Norte, Agusan del Sur, at Cotabato City.


Modified GCQ naman ang paiiralin sa iba pang bahagi ng bansa.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | June 29, 2021



Binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao at hinamon na ituro nito ang mga opisina at empleyado ng gobyerno na sangkot sa corrupt practices matapos umanong sabihin ng Pambansang Kamao na “three times” na mas korup ang kasalukuyang administrasyon.


Nabanggit ng pangulo ang pangalan ng senador nang ianunsiyo niya ang usaping pagtakbo niya sa pagka-bise presidente.


Posible pa rin umano na tumakbo siya bilang bise dahil “There are things I’d like to continue and that would be dependent on the president that I will support.”


Saad pa ng pangulo, “Kasi kung mag-vice-president ako, ang kalaban ko, kontra-partido… Gaya ni Pacquiao. Salita nang salita na three times daw tayo mas corrupt.


“So I am challenging him. Ituro mo ang opisina na corrupt, at ako na ang bahala. Within one week, may gawin ako.


“Maglista ka, Pacquiao, at sinasabi mong two times kaming corrupt. Ilista mo 'yung mga tao at opisina. Dapat inilista mo na 'yan noon, at ibigay mo sa akin."


Dagdag pa ni P-Duterte, "‘Di ba ang sabi ko noon, if you come to know that is a corruption, let me know. Give me the office... Ganoon ang dapat na ginawa mo. Wala ka namang sinabi noong all these years, puro ka praises nang praises sa akin, tapos ngayon, sabihin mo, corrupt.”


Aniya, marami nga ang korup ngunit inalis na niya sa posisyon.


Saad pa ng pangulo, “Meron, marami nga, pero napaalis na. Naunahan na kita.”


Aminado naman si P-Duterte na kahit sino pa ang maging pangulo ay hindi mawawala ang korupsiyon.


Paliwanag pa ni P-Duterte, "Every administration will have a share of the problem of corruption. Do not ever think that if you will win as president, na wala nang corruption dito sa Pilipinas.”


Aniya, maghihintay siya sa listahan ni Pacquiao ng mga korup na opisina at empleyado ng pamahalaan.


Saad pa ng pangulo, "So maghintay ako sa listahan mo at ang mga tao. Matagal naman tayong magkaibigan. Hanggang kahapon, noong isang araw ka lang nagsabi ng corruption.


“It's easy, really, to say. Hindi ko sinasabing walang corruption. Kaya nga ituro mo, kasi 'yung lahat ng itinuro ng iba, pinaalis ko na sa gobyerno.


“I am challenging you or else, talagang sabi nga nila, totoo, namumulitika ka lang.”


Ani P-Duterte, kapag hindi ginawa ni Pacquiao na i-expose ang mga korup sa pamahalaan bilang patunay sa umanoy sinabi nitong mas korup ang kanyang administrasyon, sasabihin niya sa mga tao na ‘wag iboto ang senador sa eleksiyon.


Aniya, "If you fail to do that, I will campaign against you because you are not doing your duty. Do it because if not, I will just tell the people, ‘Do not vote for Pacquiao because he is a liar.’"


 
 
RECOMMENDED
bottom of page