top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 23, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isinailalim sa general community quarantine (GCQ) “with heightened restrictions” ang Metro Manila simula ngayong araw, July 23 hanggang sa July 31, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Isinailalim din sa GCQ “with heightened restrictions” ang mga probinsiyang: Ilocos Norte, Ilocos Sur, Davao De Oro, at Davao Del Norte.


Ang Davao Del Sur naman ay isinailalim sa GCQ mula sa modified ECQ classification, simula rin ngayong araw hanggang sa July 31, ayon kay Roque.


Samantala, isinama na rin ang Malaysia at Thailand sa ipinatutupad na travel ban dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.


Saad pa ni Roque, “Inaprubahan po ng ating presidente na ang lahat po ng mga biyahero na galing sa Malaysia or Thailand or mayroong history of travel sa Malaysia o Thailand sa nakalipas na 14 days ay hindi po puwedeng papasukin ng Pilipinas. Ito po ay magsisimula nang 12:01 AM of July 25 hanggang 11:59 PM ng July 31.”


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 16, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsisimula ng klase para sa school year 2021-2022 sa Setyembre 13, ayon sa Department of Education (DepEd).


Saad pa ng DepEd, "We thank the President for his full support to the delivery of quality basic education for the incoming school year.


"The school calendar for SY 2021-2022 will be released soon.


"We hope for our stakeholders' continued cooperation and support as we prepare for another challenging yet worthwhile endeavor of educating our children amid a global health crisis."


Samantala, blended learning pa rin ang isasagawa dahil sa pandemya.


 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | July 13, 2021



Muling binanatan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Senator Manny Pacquiao at tinawag niya itong “punch-drunk" dahil sa alegasyong P10 billion nawawalang pondo ng pamahalaan.


Saad ni P-Duterte noong Lunes, "I think, Pacquiao is punch-drunk. Punch-drunk.


“I think he is. To be talking about P10 billion from nowhere... Papayag ba naman ako? At hindi lang ‘yan. Papayag ba kami? Papayag ba ang mga secretary ng departamento na ganoon na may mawala na P10 billion?"


Dagdag pa ng pangulo, "That is a statement coming from a guy who is punch-drunk, lasing."


Samantala, matatandaang sinabi ni Pacquiao na mayroong nawawalang P10.4 bilyong pondo ng Social Amelioration Program (SAP) at aniya pa ay 1.3 milyon umano ang mga benepisyaryo na hindi nakatanggap ng ayuda.


 
 
RECOMMENDED
bottom of page