top of page
Search

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021



Rumesbak si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga humihiling sa kanyang patalsikin na sa puwesto si Department of Health Secretary Francisco Duque III.


Hirit ng pangulo, magbigay ng dahilan ang mga kritiko ni Duque upang alisin niya sa puwesto ang kalihim.


Saad ni P-Duterte, “Kawawa naman ‘yung mama. Gusto nila… they want me to fire Duque.


“Gusto mong paalisin ko? Give me a reason bakit ko paalisin. Eh, kinuha ko ‘yung tao, nakiusap. Hindi naman ‘yan nag-apply, nakiusap. Hindi nakiusap na 'Kunin mo ako.' Ako ang kumuha.

“So, kung ano’ng pagkakamali niya, sa akin ‘yan.


“You want to oust him for what? Ano ba ang nagawa niya na kasamaan? May dalawang asawa siya? Wala tayong pakialam niyan, dagdagan mo pang isa, secretary, para tatlo.”


Aniya, ang mga sinisibak lamang niya sa puwesto ay ang mga sangkot sa korupsiyon at dereliction of duty, kaya isang matinding kawalan ng katarungan umano kung sisibakin niya si Duque.


Saad pa ng pangulo, “I could be doing a great injustice. Alam mo kung bakit? Ako ang kumuha [sa kanya] and he is performing. 'Pag pinaalis ko 'yan si Duque, lifetime sabihin diyan, 'Alam mo, pinaalis ‘yan kasi may corruption sa ano.' Just imagine the injustice that you inflict on your fellow human being.


“Hindi ako ganoon kung mag-perform ka. Ngayon kung magnakaw ka riyan, puwede pa kitang ipapatay para tapos ang problema ko. Tapos niyan, pakulong ako. Okay lang 'yan.”

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 20, 2021



Inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte at ng Inter-Agency Task Force (IATF) na isailalim ang National Capital Region (NCR) at ang Laguna sa modified enhanced community quarantine (MECQ) simula sa Agosto 21 hanggang August 31, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.


Isasailalim din ang Bataan sa MECQ simula sa Agosto 23 hanggang sa August 31.


Saad pa ni Roque, "These latest classifications are without prejudice to the strict implementation of granular lockdowns.”


Samantala, ayon din kay Roque, bawal pa rin ang mga al fresco dine-in services at personal care services katulad ng mga beauty salons, beauty parlors, barbershops at nail spas sa NCR, Laguna at Bataan.


Mananatili rin umanong virtual ang pagsasagawa ng mga religious gatherings sa mga nabanggit na lugar.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 17, 2021



Humihirit pa si Pangulong Rodrigo Duterte ng karagdagang bakuna kontra COVID-19 mula sa United States dahil sa kakulangan sa suplay nito.


Saad ni P-Duterte sa kanyang weekly address, "I am just asking America to give us more kung mayroon lang sila. I know na 'we first before you.' We understand it and we accept it but if there is an excess of supply, pakitulong naman dito sa amin.


"We have the money. We buy. We do not ask.”


Samantala, umabot na sa 12 million ang naturukan ng bakuna kontra COVID-19 sa bansa mula nang mag-umpisa ang vaccination program at target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 70% ng populasyon ng Pilipinas.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page