top of page
Search

ni Lolet Abania | August 27, 2021



Ipinagtanggol ni Pangulong Rodrigo Duterte ang multimillion-peso project na crushed dolomite na inilagay sa bahagi ng Manila Bay, kung saan aniya ang naging resulta nito ay maganda.


“Dolomite is beautiful to the eyes, period. ‘Wag ka na magtanong kasi hindi naman ninyo kaya kung kayo,” ani Pangulong Duterte nitong Huwebes nang gabi sa kanyang ikalawang public address ngayong linggo.


“You had your chance, actually. For so many years, you had every chance to do it. Was there anybody willing to take the problem by its horns? Si Cimatu lang (Department of Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu),” dagdag ng Pangulo.


Bilang bahagi ng P389-milyon Manila Bay rehabilitation program, sinimulan ng DENR noong nakaraang taon ang paglalagay ng tone-toneladang white sand — na gawa sa crushed dolomite boulders na ipinadala sa lugar na galing sa probinsiya ng Cebu — sa maliit na bahagi sa kahabaan ng bay’s shoreline.


Si Cimatu na ipinrisinta ang natapos na proyekto ng DENR sa isang televised briefing ay nagsabing kaya ng dolomite sand na mapigilan ang maaaring coastal erosion, ma-filter ang tubig nito at madagdagan ang beach width ng Manila Bay.


“It is considered a beach nourishment kasi malaking bagay ang nagagawa niya diyan. Nililinis niya ‘yung… na-prevent niya rin ang erosion at saka, ‘yung mga luwag ng beach ay napaluwagan nito,” ani Cimatu.


Nauna na ring sinabi ng DENR na ang beach project ay mag-eengganyo sa mga tao na huwag magkalat sa paligid nito.


Gayunman, umani ito ng mga kritisismo mula sa iba’t ibang sektor gaya ng environmental at fishing groups na tinawag nilang isang “cover-up” sa tunay na problema sa polusyon ng nasabing bay.


Matatandaang tinangay din ang artificial white sand ng malakas na buhos ng ulan na tumama sa nasabing lungsod. Gayundin, nang magkaroon ng bagyo, matapos nito ay napuno ng tone-toneladang basura ang paligid ng Manila Bay.


Isang grupo naman ng mga scientists ang nagpahayag na ang gobyerno ay “literal na nagtapon ng pera sa dagat” dahil anila, ang pondo para rito ay maaari pa sanang magamit sa pagpapabuti ng mga hospital facilities, vaccine procurement, at financial assistance sa panahon ng pandemya para sa mga Pilipino.


 
 

ni Lolet Abania | August 24, 2021



Tinanggap na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isinusulong ng PDP-Laban na tumakbo siya bilang vice-president para sa 2022 elections, ayon mismo sa partido ngayong Martes.


“President Duterte agreed to make the sacrifice, heed the clamor of the people, and accepted the endorsement of PDP-Laban party for him to run as Vice-President in the 2022 national elections,” ayon sa pahayag ng PDP-Laban.


Ang statement ay pinirmahan ni Cabinet Secretary Karlo Nograles na executive vice-president ng PDP-Laban.


Wala pang kumpirmasyon ang Malacañang hinggil dito, subalit sa isang press briefing, sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na mag-aanunsiyo si Pangulong Duterte sa kanyang Address to the Nation ngayong Martes nang gabi.


Ayon kay Roque, ang Punong Ehekutibo ay nakipagpulong kay PDP-Laban President at Department of Energy Secretary Alfonso Cusi nitong Lunes nang gabi.

 
 

ni Ronalyn Seminiano Reonico | August 21, 2021



Sinibak sa puwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte ang hepe ng National Electrification Administration (NEA) dahil umano sa korupsiyon.


Saad ni P-Duterte sa kanyang taped briefing ngayong Sabado, “We’ve been talking about corruption. Alam mo, may bago akong… the name is Edgardo Masongsong of NEA. I dismissed him from public service.”


Aniya, ang Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) ang nagrekomenda na sibakin si Masongsong bilang hepe ng NEA dahil umano sa isyu sa katiwalian.


Saad pa ng pangulo, "We do not claim to maybe really, totally clean government at this time, not even with another president.


"Endemic ang corruption (corruption is endemic), but from time to time, ito, I’m given the opportunity to show the people that we are not bragging about it, but we are trying our best to cope up with situation regarding graft and corruption in our government."

 
 
RECOMMENDED
bottom of page