top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | September 7, 2021



Ayon kay VP Leni, kung bibigyan siya ng pagkakataon na mamuno sa pandemic response ng gobyerno, magiging prayoridad niya ang wastong paggamit ng pondo.


"Ang una kong gagawin, titingnan how much money do we have now. Itatabi natin 'yon sa kung ano ba 'yung pinakakailangan... Halimbawa isa sa pinakakailangan ngayon, 'yung pag-asikaso sa healthcare workers natin... Talagang kailangan may kumukumpas sa taas," ani Robredo sa isang panayam.


Napapansin pa raw niyang tila nalilihis ang atensiyon ni Pangulong Duterte dahil sa politika at hindi raw alam ang sitwasyon ng pandemya.


"The last 2 press conferences were really quite frustrating for us kasi nasa middle tayo ng surge na kailangan all hands on deck, 'yung urgency is really most important now tapos the greater part of the press conference is pinupuna 'yung mga senador, pinupuna ang COA," pahayag niya.


"Pag pinapakinggan ko at binabasa 'yung transcript, may sense ako na hindi na niya alam lahat ng detalye. Ang tingin ko lang, kulang sa pagtutok sa detalye," dagdag niya.


Ayon pa sa bise presidente, imbes na awayin ng Pangulo ang mga senador at depensahan ang mga sangkot sa umano'y overpricing ng medical supplies ay dapat harapin nila ang imbestigasyon.


"The President has been sending mixed signals. 'Yung claim niya na corruption is one of the flagship programs niya when he was campaigning," aniya.

 
 

ni Lolet Abania | September 4, 2021



Inaprubahan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang rekomendasyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF) na bawiin ang travel restrictions sa 10 bansa epektibo sa Setyembre 6, ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ngayong Sabado.


Ang mga bansang nakatakdang i-lift ang restriksyon ay India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, Oman, Thailand, Malaysia, Indonesia.


Matatandaang ipinatupad ang travel ban bilang bahagi ng pag-iwas sa mas nakahahawang sakit na Delta variant ng COVID-19, kung saan magtatapos sana noong Agosto subalit pinalawig ng hanggang Setyembre 5.

 
 

ni Lolet Abania | August 31, 2021



Target ng gobyerno na matapos bago mag-Disyembre ang konstruksiyon ng isang memorial wall bilang pagkilala sa mga sakripisyong ginawa ng mga nasawing medical frontliners.


Ayon kay National Task Force Against COVID-19 chief implementer Secretary Carlito Galvez, Jr., matatagpuan sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City ang memorial wall, kung saan nakasaad ang kabayanihan ng mga doktor, nars at iba pang medical personnel.


“We will do it [for] maybe 41 days or more or less two months or even less than three months. Before December po tatapusin po namin,” ani Galvez sa Cabinet briefing ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinalabas ngayong Martes.


Una nang sinabi ni Galvez na nakikipag-ugnayan na siya kay Department of National Defense Secretary Delfin Lorenzana at iba pang stakeholders para sa disenyo at lokasyon ng naturang memorial.


Pinasalamatan naman ni Pangulong Duterte ang Armed Forces of the Philippines sa suportang ibinigay nila para sa proyekto.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page