top of page
Search

ni Lolet Abania | May 9, 2022


ree

Tinuldukan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang balota para sa 2022 national at local elections ngayong Lunes nang hapon.


Dumating si Pangulong Duterte sa Daniel R. Aguinaldo National High School sa Davao City bandang alas- 4:00 ng hapon, kasama ang kanyang longtime aide na si Senator Christopher “Bong” Go.


Huling eleksyon ito na bumoto ni Pangulong Duterte bilang pinakamataas na lider ng bansa, kung saan magtatapos ang kanyang anim na taong termino sa Hunyo 30.


Tumanggi naman ang Pangulo na mag-endorso ng potensiyal na susunod na presidente ngayong eleksyon, subalit nagpahayag ng buong suporta sa vice presidential bid ng kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 6, 2022


ree

Sa kanyang Talk to the People nitong Martes, muling inihayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na wala siyang susuportahang presidential candidate.


Gayunman, muli niyang inihayag ang pagsuporta sa kandidatura ng kanyang anak na si presidential bet Mayor Sara Duterte-Carpio.


“I"m just announcing wala akong kandidato sino man sa pagka-presidente. I remain neutral. Ang akin kasi eh presidente ako tapos magkampi ako ng isa. Magdududa yung [iba na] ginagamit ko yung resources ng gobyerno, magulo na,” paliwanag ng pangulo.


“Kaya nga wala kaming kandidato except of course my daughter. So I have to mention her because she is my daughter ano man ang dynamics namin sa mga party nila, anak ko yan eh so yun," dagdag niya.


Mayroon din umano siyang mga senador na sinusuportahan pero wala siyang binanggit na pangalan.


"Ang isa pati yung mga senador na gusto ko sana ilagay diyan but I am not mentioning any names I"m just trying to avoid politicking baka masabit tayo sa Comelec (Commission on Elections),” aniya pa.


Ayon naman kay Inday Sara, igagalang niya ang desisyon ng kanyang ama kung hindi man ito mag-endorso ng kandidato.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | April 6, 2022


ree

Iminungkahi ni Pangulong Rodrigo Duterte na gamitin sa house-to-house vaccination drive ang mga bakunang malapit nang ma-expire.


Sa kanyang weekly “Talk to the People” briefing nitong Martes, sinabi ng pangulo na ang mga naturang bakuna ay hindi excess orders. Lahat ng ito ay ready to be used, at maraming Pilipino ang ayaw lamang magpabakuna.


“If there are many Filipinos who refuse to be vaccinated, it’s not the government’s fault for buying [vaccines] commensurate to the number of Filipinos we hoped to be vaccinated,” ani Duterte.


“The vaccines are here and ready to be utilized just in case a good number of the Filipinos remaining and refusing to be vaccinated would want them. Otherwise, there’s nothing we can do,” dagdag niya. “The most we can do is a last-minute program. We embark on a program to deliver the vaccines house-to-house in the countryside.”


Kasunod nito ay hinimok ng pangulo ang New People’s Army na ‘wag galawin ang healthcare workers na magsasagawa ng vaccination drive.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page