ni Jasmin Joy Evangelista | November 19, 2021

Ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte na mayroong isang kandidato sa pagkapangulo para sa 2022 elections ang gumagamit ng iligal na droga partikular na ang cocaine.
Sa kanyang talumpati sa Calapan City, Mindoro, sinabi ni Pres. Duterte na may isang presidential candidate na gumagamit umano ng cocaine.
"There's even a presidential candidate na nag-cocaine... May kandidato tayo na nagko-cocaine 'yan, 'yang mga anak ng mayaman," ayon sa Pangulo.
"Bahala kayo kung ano'ng gusto ninyo na tao. Inyo 'yan. Ang akin lang, pagdating ng panahon, basta sinabi ko sa inyo, and he is a very weak leader, ang character niyan, except for the name, pero ang tatay. Pero siya, ano'ng ginawa niya? He might win hands down, okay. If that is what the Philippines wants, go ahead, basta alam ninyo,” dagdag niya.
Hindi pinangalanan ng pangulo ang kanyang tinutukoy.






