- BULGAR
- Nov 30, 2021
ni Jasmin Joy Evangelista | November 30, 2021

Ipinahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang patayin ang Omicron variant upang tuluyan na itong mawala.
"Gusto kong patayin ‘yan kaya lang hindi ko malaman kung saan ko—gusto kong barilin ‘yan buang na ‘yan," ani Duterte sa kanyang meeting kasama ang National Task Force Against COVID-19.
Hindi rin aniya magdadadalawang-isip ang pangulo na magpatupad ng paghihigpit sa bansa sakaling makapasok sa bansa ang Omicron variant.
Matatandaang maraming mga bansa na kabilang ang Pilipinas ang naghigpit sa flights lalo na sa mga biyahero na galing sa South Africa kung saan unang nadiskubre ang Omicron.






