top of page
Search

ni Jasmin Joy Evangelista | December 2, 2021


ree

Bistado ang isang kolektor ng pautang sa Mangaldan, Pangasinan matapos magpanggap na naholdap dahil naipatalo umano sa online sabong ang perang nakolekta.


Batay sa ulat, kinilala ang suspek na si Norjude Reyes, isang lending collector.


Nag-report umano si Reyes na naholdap siya at natangay ang koleksiyon niya na mahigit P18,000 sa Barangay Banaoang.


Nagpakita pa ito ng galos sa tagiliran na natamo raw niya sa ginawang panghoholdap ng dalawang lalaki at tinukoy pa ang dalawang suspek na nangholdap umano sa kaniya.


Ngunit ayon kay Police Lieutenant Arnel Diopesa, Deputy Officer, Mangaldan Police, napag-alaman sa kanilang imbestigasyon na ginawa umano ni Reyes sa sarili ang galos at hindi rin totoo na nabiktima siya ng panghoholdap.


"Lumalabas sa investigation na siya ay natalo sa online sabong," ani Diopesa.


Sinabi rin nito na ipinusta ni Reyes ang mahigit P18,000 na nakolekta niya sa pautang.


Mahaharap sa patong-patong na kaso si Reyes dahil sa nangyari.

 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | November 2, 2021


ree

Inatake ng dikya ang ilang beach goers sa Dagupan, Pangasinan.


Isa ang nasalabay sa Tondaligan habang 10 naman sa San Fabian beach, na pawang binigyan ng paunang lunas.


Nitong nagdaang weekend ay dagsa ang mga namasyal at naligo sa mga beach sa Pangasinan.


Mahigpit naman ang pagbabantay ng mga awtoridad para maiwasan ang mga disgrasya.


Inaasahan na patuloy pang darating ang mga beach goers hanggang bukas.

 
 

ni Lolet Abania | June 30, 2021


ree

Isang propesor sa unibersidad sa Pangasinan ang inaresto matapos maningil umano ng malaking halaga sa kanyang mga estudyante kapalit ng pagpasa sa kanyang klase.


Sa ulat, dinakip nitong Lunes ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation (NBI) ang propesor na isa ring doktor dahil sa isinampang reklamong robbery-extortion.


Agad namang pinaimbestigahan ng Commission on Higher Education-Region 1ang naturang propesor. “Upon learning the incident, we immediately contacted the institution and the President assured our office that she will create a fact finding committee to immediately investigate,” ani Dr. Danilo Bose, acting chief ng Information Office ng CHED-1.


Binuo naman ng Philippine Medical Society (PMS)-Pangasinan Chapter ang isang investigating committee para mas matutukan ang kasong kinasasangkutan ng doktor-propesor. “Due process naman para fair naman sa kanya. Iaakyat ‘yan sa taas, pati sa PRC. Medyo maselan ang kasong ‘yan,” saad ni Dr. Jovito Rivera, pangulo ng PMS-Pangasinan Chapter.


Mariing itinanggi naman ito ng propesor na naniningil siya ng pera para lamang ipasa ang mga estudyante. “These students are trying to bribe me kasi sabi nila, bumabagsak daw sila. Ngayon, this one student, she was trying to give some money... I have to face kasi wala naman akong magagawa,” paliwanag ng propesor.


Naunang iniulat ng NBI na nasa P35,000 hanggang P40,000 ang sinisingil umano ng propesor para mabigyan ng pasadong marka ang kanyang mga estudyante.


Hinimok naman ng mga awtoridad na isumbong at magsampa rin ng reklamo ang iba pang estudyante na nabiktima ng propesor.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page