top of page
Search

ni Lolet Abania | May 1, 2022


ree

Nakapagtala ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ng pinakamataas na heat index temperature na 50 degrees Celsius, nitong Sabado, Abril 30, sa Dagupan City sa Pangasinan.


Sa ulat ng state weather bureau, ang temperatura ay nai-record nang alas-5:00 ng hapon, kahapon.


Ang heat index o “init factor” ay ang sukatan ng temperatura na nararamdaman ng isang tao, kumpara sa aktuwal na tinatawag na air temperature.


Ayon sa PAGASA, ang mga lugar na nakapag-register ng above-40 degrees Celsius heat index, nito ring Sabado ay ang mga sumusunod:

• Aparri, Cagayan: 46ºC, nasa 5PM

• Laoag City, Ilocos Norte: 44ºC, nasa 2PM

• Casiguran, Aurora: 42ºC, nasa 2PM

• Masbate City, Masbate: 42ºC, nasa 1PM

• NAIA, Pasay City: 42ºC, nasa 1PM


Sinabi naman ng PAGASA na mula Marso 1 hanggang Abril 30, ang pinakamataas na heat index ay nai-record din sa Dagupan City na nasa 54ºC noong Abril 22, alas-2:00 ng hapon.


Klinasipika rin ng PAGASA bilang nasa “danger” zone ang mga lugar na may heat index na nagre-range ng 42ºC hanggang 51ºC, at nasa “extreme danger” kapag ang heat index ay nasa 52ºC at pataas.


Paliwanag ng PAGASA, kapag ang heat index ay nasa danger zone, ang mga residente ay maaaring makaranas ng heat cramps at heat exhaustion, at posibleng tamaan ng heat stroke kung magpapatuloy ang exposure nito.


Sa mga lugar na nasa ilalim ng extreme danger, ani PAGASA, “heat stroke is imminent.”


Paalala naman ng weather bureau sa publiko na limitahan ang kanilang oras na inilalaan sa labas o outdoors, uminom ng maraming tubig at iwasan ang tea, coffee, soda at liquor.


Hinihimok din ang lahat na gumamit ng payong, sumbrero at magsuot ng damit na may manggas.


Pinapayuhan naman ng PAGASA ang publiko na mag-iskedyul ng tinatawag na heavy-duty activities sa umpisa ng umaga o kaya matatapos na ang buong araw kapag ang temperatura ay mas lumamig na.



 
 

ni Lolet Abania | April 30, 2022


ree

Nasa tinatayang 75 indibidwal ang nakaranas ng food poisoning matapos na kumain ng galunggong at green mussels o tahong sa Barangay Inirangan sa bayan ng Bayambang, Pangasinan.


Batay sa municipal health office ng lugar, ang nasabing pagkain ay binili sa isang ambulant vendor na naglako at dumaan sa barangay.


Nagsasagawa na ang mga awtoridad ng imbestigasyon upang madetermina kung ang dahilan ng pagkalason ng mga ito ay sanhi ng red tide toxin.


Gayundin, ang mga nakuhang samples mula sa mga pasyente ay isasailalim naman sa testing para mabatid kung may presensiya ito ng red tide toxin.


 
 

ni Jasmin Joy Evangelista | December 16, 2021


ree

Patay ang isang 33-anyos na barangay tanod matapos siyang barilin sa harap ng barangay hall sa Villasis, Pangasinan.


Kinilala ang biktima na si Wilson Remoblas, tanod sa Barangay Piaz.


Ayon sa isang saksi, nagpaparesponde sa isang kaguluhan ang mga lalaking dumating sa barangay hall sakay ng motorsiklo at tricycle.


Bigla na lang umanong nagpaputok ang isang lalaki at sinita ng tanod na humantong pamamaril.


"Biglang dumating si Kagawad Ampog [para] sabihin na may rerespondehan kaming nanggugulo sa dike," anang saksi.


Nagtamo ng tama ng bala sa dibdib at tiyan ang biktima at nasawi.


Tumakas naman at patuloy na pinaghahanap ang suspek na si Melvin Obaldo.


Hustisya ang hiling ng asawa ng biktima.


Aniya, matagal na raw may hindi pagkakaunawaan ang kaniyang mister at ang suspek pero nagkaayos naman.


Nakatakdang sampahan ng kasong murder ang tumakas na suspek. Napag-alaman din na hindi lisensiyado ang baril nito.

 
 
RECOMMENDED
bottom of page