top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 5, 2024



Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan ang papel at saranggola.

Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?

Naghihintay,

Belinda ng Ilocos Sur



Sa iyo, Belinda,


Depende sa papel ang ibig sabihin ng panaginip mo. Kung sa panaginip mo, kulay puti ang papel at nakatiklop nang maayos, ito ay nangangahulugan ng kaligayahan at hangaring lubos na matutupad. Liligaya ka na, at matatapos na ang mga pasanin mo sa buhay. Ito rin ay nangangahulugan na may kaibigang tutulong sa iyo upang makamit mo ang tagumpay. 


Kung ang papel naman ay lukot at hindi maganda ang pagkakatupi, ito ay paalala ng pagkabalisa, magulong isipan at walang kapanatagan. Ito rin ay babala na masasangkot ka sa isang kaguluhan.


Samantala, kung ang saranggola na tinutukoy mo sa panaginip mo ay pinapalipad mo, ito ay senyales na mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon sa pinapasukan mong trabaho. Ito rin ay sign na makakatanggap ka ng karangalan d’yan sa barangay n’yo. Susuwertehin ka rin pagdating sa  pag-ibig, negosyo at pagsasaka. 


Pero kung ang saranggola ay napatid, bumagsak sa lupa, kamalasan ang ibig sabihin nito. Makakaranas ka ng paghihirap sa buhay at mahihirapan ka ring abutin ang tagumpay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna





 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip gabay ng buhay | Ika-30 araw ng Abril, 2024




Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gemma ng Bataan.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na bumalik ako sa pagkabata. Bumili kami ng mommy ko ng yelo dahil nagtitinda umano kami ng halo-halo. Pagdating ng father ko, agad niya akong hinalikan. 


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Gemma



Sa iyo, Gemma, 


Ang panaginip mo na bumalik ka sa pagkabata ay babala na hindi pa magiging stable ang buhay nyo. Marami ka pang dapat gawin upang maayos at mapanatag ang buhay mo.


Ang bumili ka ng yelo dahil nagtitinda kayo ng halo-halo ay paalala ng paghihirap sa buhay, kaguluhan at mga problemang hindi inaasahan.


Samantala, ang dumating ang father mo at agad ka niyang hinalikan ay nagpapahiwatig na masasangkot ka sa gulo, pero huwag kang mag-aalala dahil may tutulong pa rin naman sa iyo. Malalampasan at maiiwasan mo rin ang nasabing kaguluhan. 


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | November 26, 2023





Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Ludy ng Malolos, Bulacan.




Dear Maestra,


Napanaginipan ko na may nakita akong honey sa dining table namin, at tinikman ko umano ito. Mayroon ding ham na nagpatakam lalo sa akin, kung kaya tinikman ko rin ito. Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Ludy





Sa iyo, Ludy,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na tinikman mo ang nakita mong honey ay mararamdaman mo ang tamis at lambing ng pagmamahal sa iyo ng iyong dyowa.


Magtatagumpay, liligaya at sasagana ang inyong buhay hanggang sa kayo’y tumanda. Ito rin ay nagpapahiwatig na uunlad ang inumpisahan n’yong negosyo at magiging mabilis ang pagyaman n’yo.


Samantala, ang tinikman mo rin ang ham na nakita mo sa dining table ay tanda na susuwertehin ka sa iyong pinagkakaabalahan sa kasalukuyan.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 
RECOMMENDED
bottom of page