top of page
Search

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 13, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Robert ng Cebu.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na minalas ako. Nagkasakit na ako, tinubuan pa ako ng tigdas.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Robert



Sa iyo, Robert,


Kabaligtaran ang kahulugan ng panaginip mo na minalas ka, ito ay nangangahulugan na susuwertehin at yayaman ka. Lahat ng luho sa buhay ay matitikman mo na rin. Isa pa, mabibili mo na rin ngayon ang pinapangarap mong kotse. Lahat ng gusto mong bilhin ay mapapasaiyo na.


Samantala, ang nagkasakit ka ng tigdas ay senyales na magiging maganda na ang kalusugan mo. Magtatagumpay ka na rin sa negosyong bubuksan mo, at may darating pang pera na ‘di mo inaasahan. 

Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 11, 2024



KATANUNGAN

  1. Long distance relationship kami ng boyfriend ko. Magda-dalawang taon na rin ang aming relasyon, at nangako siya sa akin na pagbalik niya, pakakasalan niya ako. 

  2. Itatanong ko lang, Maestro, kung siya na ba talaga ang makakatuluyan ko? Matutuloy din kaya ang pangako niyang kasal sa akin?

  3. Ang hirap naman kasing umasa sa walang kasiguraduhan, lalo na kung hintay ako nang hintay, hindi naman pala ako ang makakatuluyan niya. 

  4. Ang isa ko pang kinaiinisan sa kanya, panay siya pangako, pero hindi naman niya tinutupad. 

 

KASAGUTAN

  1. Huwag kang mainip at mainis sa boyfriend mo na puro pangako, pero hindi naman tinutupad, dahil ayon sa zodiac sign mong Gemini at samahan pa ng tuwid at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad, sa taong 2025, may himala at mahiwagang pangyayari ang magaganap, dahil tiyak na tutuparin na ng boyfriend mo ang matagal na niyang pangako sa iyo.

  2. Ito ay pinatunayan ng kaisa-isang tuwid at maganda mong Marriage Line (Drawing A. at B. 1-M arrow a.) sa kaliwa at kanan mong palad. Ito ay nangangahulugang na ang unang meaningful at seryoso mong boyfriend ang iyo na ngang makakatuluyan hanggang sa humantong ang nasabing relasyon sa isang maligayang pagmamahalan habambuhay. 

  3. Ang pag-aanalisang kahit long distance kayo ng boyfriend mo at kahit maghintay ka sa kanya ng mahabang panahon, walang magiging problema, dahil madali namang pinatunayan ng maayos, maganda, walang bilog at tumuntong sa Bundok ng Kaligayahan na Heart Line (Drawing A. at B. h-h arrow b.) sa kaliwa at kanan mong palad. Kaunting tiis na lang, dahil sa susunod na taon, matutupad na rin sa wakas ang pangako ng boyfriend mo at ang papasuki n’yong pag-aasawa ay tiyak aani ng isang masarap at panghabambuhay na ligaya.  

 

MGA DAPAT GAWIN

  1. Minsan sadyang pinaglalayo ng kapalaran ang dalawang pusong nagmamahalan, upang sa kanilang muling pagtatagpo ay mas lalo pang maging sweet at kapanapanabik ang muling pagtatagpo.

  2. Nakatakda itong mangyari at maganap sa susunod na taon, sa buwan ng Hunyo, sa panahon ding kagaya nito na pabuhus-buhos ang malakas na ulan na may kasama pang kulog at kidlat, ganitong panahon kayo tiyak na ikakasal ng kasalukuyan mong boyfriend na magreresulta ng isang successful,  maligaya at panghabambuhay na pagpapamilya.

 
 

ni Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | June 7, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Mely ng Candon, Ilocos Sur.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na gutom na gutom ako. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain, ngunit wala akong nakitang pagkain maliban na lang sa honey. Tatlong patak na honey ang nilagay ko sa kutsarita, at ‘yun  ang kinain ko.

Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?


Naghihintay,

Mely



Sa iyo, Mely,


Ang panaginip mo na gutom na gutom ka, pumunta ka sa kusina, pero wala kang nakitang pagkain maliban sa honey ay senyales na mapupuspos ng tamis at kaligayahan ang buhay mo. Ngayon mo na matatagpuanl ang lalaking tunay na magmamahal sa iyo. Pakakasalan ka niya, at magiging maligaya ang honeymoon n’yo.


Uunlad na rin ang negosyong bubuksan n’yo hanggang sa tuluyan kayong yumaman.

Samantala, ang tatlong patak ng honey ay nangangahulugan na magiging donya ka. Makakapagpatayo ka ng mga apartment for rent, at mararating mo na ang pinakamataas na antas ng buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna






 
 
RECOMMENDED
bottom of page