top of page
Search

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 22, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Gerry ng Valenzuela.


Dear Maestra,


Madalas kong mapanaginipan na nagpe-prepare ako ng meal. Ang isa ko pang madalas mapanaginipan ay ang gatas. Ano ang ibig sabihin ng mga panaginip ko?


Naghihintay,

Gerry



Sa iyo, Gerry


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nagpe-prepare ka ng meal ay magiging abala ka sa mga gawaing bahay kasama ang iyong mga anak.


Samantala, ang milk ay may iba’t iba ring kahulugan. Kung sa panaginip mo ay umiinom ka ng gatas, ito ay senyales ng kaligayahan. 


Kung ang gatas naman ay tinitinda mo, kalungkutan ang ipinahihiwatig nito. Pero, kung ikaw naman ang kumukuha ng gatas sa baka o kalabaw, ito ay tanda ng kasaganahan at pag-unlad sa buhay.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna



 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 21, 2024



Dear Maestra,


Napanaginipan ko na naisipan kong lumabas ng bahay kahit gabi na. Naglakad-lakad ako hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Matapos nu’n ay umuwi na ‘ko at natulog. Pero, binangungot naman ako habang natutulog.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na naisipan mong lumabas ng bahay kahit gabi na, at naglakad-lakad ka hanggang sa makaramdam ka ng pagod ay hindi mo agad makikita ang resulta ng iyong pagpupunyagi sa buhay. Made-delay ang mga pinaplano mo, at ‘di ka magkakaroon ng mga sagabal.


Samantala, ang umuwi ka na upang matulog pero binangungot ka ay nangangahulugan na nasa ilalim ka ng impluwensiya ng ibang tao. Hindi ka makatanggi-tanggi sa mga inuutos. Dapat kang gumawa ng paraan para makaiwas sa taong iyon. Dahil kung hindi, baka lalo lamang maging miserable ang buhay mo.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna


 
 

ni Maestra Estrellia de Luna @Panaginip Gabay ng Buhay | August 20, 2024



Analisahin natin ang panaginip na ipinadala ni Jonathan ng Pila, Laguna.


Dear Maestra,


Napanaginipan ko na nasa kagubatan ako. May nakita akong lion, at sa dako pa roon ay may nakita naman akong mga bulaklak ng lily.


Ano ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naghihintay,

Jonathan



Sa iyo, Jonathan,


Ang ibig sabihin ng panaginip mo na nasa kagubatan ka, may nakita kang lion ay kadakilaan. Magiging dakila ka sa paningin ng mga tao. Ito rin ay nagpapahiwatig na magiging mataas ang posisyon mo sa iyong trabaho. Mapo-promote ka sa pinakamataas na posisyon, at may posibilidad ka pang makapag-asawa ng maganda, matalino at nabibilang sa mayamang angkan.


Samantala, ang lily ay nangangahulugan na magiging masaya ang iyong pag-aasawa. Magtatagumpay din ang negosyong bubuksan mo. Pero kung sa panaginip mo, lanta na ang lily, at ‘di na ito kaaya-ayang pagmasdan, ito ay senyales na makakatanggap ka ng malungkot na balita.


Matapat na sumasaiyo,

Maestra Estrellia de Luna

 
 
RECOMMENDED
bottom of page